The Baptism of Christ
Ang bautismo ni Jesus sa Jordan ay patunay ba ng Trinity? Suriin ang layunin ng Kaniyang bautismo, ang pagbaba ng Espiritu tulad sa kalapati, at ang tinig mula sa langit ayon sa Biblia.
Posted Aug 17, 2026
Updated Aug 17, 2026
7 views14 min read
Patunay nga ba ito na mayroong tatlong persona ng pagka-Dios o Trinity? Ano ang paliwanag ng Biblia tungkol dito? Mahaba-habang paliwanag ulit ito.
(Tagalog AB)
13 Nang magkagayo'y naparoon si Jesus mula sa Galilea at lumapit kay Juan sa ilog ng Jordan, upang siya'y bautismuhan niya.
14 Datapuwa't ibig siyang sansalain ni Juan, na nagsasabi, Kinakailangan ko na ako'y iyong bautismuhan, at ikaw ang naparirito sa akin?
15 Nguni't pagsagot ni Jesus ay sinabi sa kaniya, Payagan mo ngayon: sapagka't ganyan ang nararapat sa atin, ang pagganap ng buong katuwiran. Nang magkagayo'y pinayagan niya siya.
16 At nang mabautismuhan si Jesus, pagdaka'y umahon sa tubig: at narito, nangabuksan sa kaniya ang mga langit, at nakita niya ang Espiritu ng Dios na bumababang tulad sa isang kalapati, at lumalapag sa kaniya;
17 At narito, ang isang tinig na mula sa mga langit, na nagsasabi, Ito ang sinisinta kong Anak, na siya kong lubos na kinalulugdan.
Ang siping ito ng Kasulatan ay ginagamit na patunay ng naniniwala sa doktrina ng Trinity na mayroon daw tatlong persona ng pagka-Dios dahil si Cristo raw ay binautismuhan sa Ilog Jordan at bumaba ang Espiritu ng Dios sa Kaniya sa anyong kalapati at ang Ama naman daw ay nagsalita mula sa langit. Dito'y sinasabi nila na kung ang Ama, ang Anak at ang Espiritu Santo ay si Jesus din, paano daw natin ipaliliwanag ang senaryong ito?
Para maunawaan natin ang senaryong ito, una, kinakailangan nating alalahanin na ang Dios ay sumasa lahat ng dako.
Ako ay Diyos na nasa lahat ng dako, at hindi nananatili sa isang lugar lamang. 24 Walang makakapagtago sa akin; makikita ko siya kahit saan siya pumunta. Sapagkat ako'y nasa lahat ng lugar sa langit at sa lupa.
(Basahin din: .)
Ayon sa turo ng Biblia, si Jesus ang nag-iisang Dios na nagkatawang-tao (, ; ). Bagama't nandito Siya noon sa lupa, ang Kaniyang pagiging sumasalahat ng dako ay hindi nawala dahil iyan ay isa sa pangunahing katangian ng Dios. Ang Kaniyang katawan or humanity ay hindi omnipresent, pero ang Kaniyang Espiritu (Deity o pagka-Dios) ay sumasalahat ng dako.
Tandaan natin na ang Ama (Dios na Espiritu - ) ay nananahan kay Cristo (; ).
"The Father (Spirit) is in the Son (humanity)."
Kaya sa Kaniyang kalagayan bilang Dios, puwede Siyang nasa langit at nasa lupa sa iisang pagkakataon.
(Tagalog AB)
13 At walang umakyat sa langit, kundi ang nanggaling sa langit, sa makatuwid baga'y ang Anak ng tao, na nasa langit.
Maliwanag dito na bagama't nasa lupa si Cristo at nakikipag-usap kay Nicodemo, sinabi Niya na ang Anak ng tao (si Jesus mismo) ay nasa langit.
(Tagalog AB)
20 Sapagka't kung saan nagkakatipon ang dalawa o tatlo sa aking
pangalan, ay naroroon ako sa gitna nila.
Kung may dalawa o tatlong nagkakatipon, dito sa Pilipinas, sa Amerika, sa Canada, sa Japan o sa China, sa pangalan ng Panginoon sa magkakaparehong oras ay naroroon daw si Jesus sa gitna nila. Magagawa Niya ito sa kalagayan Niya bilang Dios at hindi bilang tao.
Kung naniniwala tayo sa pagiging omnipresent ni Cristo, maunawaan natin nang mas madali ang bautismo ni Cristo sa Jordan River. Hindi impossible sa Kaniya na magsalita mula sa langit at magpadala ng Kaniyang kapahayagan o manifestation sa anyong kalapati habang Siya ay binabautismuhan sa Jordan. Siguro naman ay naniniwala tayo na walang impossible sa Dios.
Ngayon sagutin natin ang tanong. Ang pagbabautismo ba kay Cristo ay patunay na mayroong tatlong persona ng pagka-Dios? O mayroong ibang layunin kung bakit Siya binautismuhan?
Una, noong si Cristo ay binautismuhan, wala po tayong makikitang tatlong persona doon kundi isa lang, si Cristo.
Ayon sa pakahulugan ng mga may awtoridad sa salita, ang person ay nangangahulugang:
A human being; an individual. Sa Tagalog - isang tao o indibidwal (Merriam-Webster)
A human being regarded as individual. Sa Tagalog - isang tao na itinuturing bilang isang natatanging indibidwal (Oxford English Dictionary).
A man, a woman, or child. Sa Tagalog - isang lalaki, babae, o bata (Cambridge Dictionary)
Kaya kung susundan ang kahulugang ito mula sa dictionary, lumilitaw na isa lang ang persona sa panahong binautismuhan si Cristo. Ang tinig at kalapati ay hindi persona.
Sabi ng iba, kaya daw nila sinasabi na ang Dios ay persona sapagka't katulad sa tao ang Dios ay may kakayahang umibig, magsalita, makipag-ugnayan, magpasya at kumilos. Ang ganitong pangangatwiran o paghahambing ng Dios sa tao ay hindi sinasang-ayunan ng Biblia sapagkat ang Dios ay natatangi at walang kapantay.
(Tagalog AB)
25 Kanino nga ninyo itutulad ako, upang makaparis ako niya? sabi ng Banal.
(Tagalog AB)
9 Hindi ko isasagawa ang kabangisan ng aking galit, hindi ako babalik upang ipahamak ang Ephraim: sapagka't ako'y Dios, at hindi tao; ang Banal sa gitna mo; at hindi ako paroroon na may galit.
Ang totoo niyan, hindi gumamit ang Biblia ng salitang persona upang i-describe ang Dios kundi sa halip ay salita itong binuo ni Tertullian at ipinasok sa Cristianismo. Si Tertullian (Quintos Septimus Florens Tertullianus) ay isang paganong Romano, ipinanganak sa Carthage, North Africa sa pagitan ng AD 155-160, nag-aral ng Rhetoric at Law at naging mahusay na manunulat at tagapagtanggol ng Cristianismo. Siya ay naging Christian Apologist. Siya ang kauna-unahang gumamit ng salitang persona tungkol sa Dios para ipaliwanag ang Ama, Anak, at Espiritu Santo.
1. Si Tertullian ang Pangunahing Unang Gumamit ng Persona
Si Tertullian, isang manunulat na Kristiyano noong ika-2-3 siglo, ay gumamit ng Latin na:
"tres personae, una substantia"
= "tatlong persona, isang substance/diwa."
Sa kaniyang akdang Against Praxeas (Adversus Praxean), sinabi niya tungkol sa Ama, Anak at Espiritu Santo na ang Unity ay inilalarawan bilang Trinity at inilalagay ang "three Persons" - Ama, Anak at Espiritu Santo.
Kaya sa kasaysayan ng pagbuo ng Trinitarian terminology, Tertullian ang karaniwang kinikilalang unang malaking tagapagbalangkas ng formula na "one substance, three persons."
Stanford Encyclopedia of Philosophy
(Trinity, History of Christian Doctrine)
Linawin natin, si Tertullian ang unang gumamit ng salitang persona patungkol sa Dios para ipaliwanag ang pagkakaisa ng Ama, Anak at Espiritu Santo. Gayunpaman, ang pagkabuo ng doktrinang Trinidad ay napag-usapan ito sa Council of Nicea noong 325 AD sa utos ni Emperor
Constantine, at ganap itong nabuo at pinagtibay noong 381 AD sa Council of Constantinople sa pamamagitan ni Emperor Theodosius.
(Ang pagkabuo ng doktrinang Trinidad at pag-usbong nito - tatalakayin natin sa mga susunod, masyado kasing mahaba ito.)
Kaya ayon sa Biblia, ang Dios ay Espiritu (). Iba ang Espiritu sa persona.
2. Ang Layunin Kung Bakit Binautismuhan si Cristo, Bumaba ang Espiritu ng Dios sa Anyong Kalapati at Kung Bakit May Tinig ng Dios na Narinig sa Langit
A. Kung Bakit Binautismuhan si Cristo
(Tagalog AB)
13 Nang magkagayo'y naparoon si Jesus mula sa Galilea at lumapit kay Juan sa ilog ng Jordan, upang siya'y bautismuhan niya.
14 Datapuwa't ibig siyang sansalain ni Juan, na nagsasabi, Kinakailangan ko na ako'y iyong bautismuhan, at ikaw ang naparirito sa akin?
15 Nguni't pagsagot ni Jesus ay sinabi sa kaniya, Payagan mo ngayon: sapagka't ganyan ang nararapat sa atin, ang pagganap ng buong katuwiran. Nang magkagayo'y pinayagan niya siya.
Una, si Cristo ay binautismuhan hindi para i-represent ang diumano'y ikalawang persona ng pagka-Dios, at hindi rin Siya binautismuhan para mapatawan sa kasalanan, sapagka't Siya ay sinless (), kundi para sa pagganap ng buong katuwiran ng Dios.
Pangalawa, si Cristo ay nagbigay ng halimbawa na dapat nating sundan.
(Tagalog AB)
21 Sapagka't sa ganitong bagay kayo'y tinawag: sapagka't si Cristo man ay nagbata dahil sa inyo, na kayo'y iniwanan ng halimbawa, upang kayo'y mangagsisunod sa mga hakbang niya:
(Tagalog AB)
15 Sapagka't kayo'y binigyan ko ng halimbawa, upang gawin naman ninyo ayon sa ginawa ko sa inyo.
Kaya kung nagpabautismo Siya, dapat magpabautismo rin tayo.
Pangatlo, ang pagbabautismo kay Cristo ay ang pagpapahayag ng Kaniyang sarili sa Israel, kung sino Siya at kung ano ang ministeryong ipinarito Niya.
(Tagalog AB)
26 Sila'y sinagot ni Juan, na nagsasabi, Ako'y bumabautismo sa tubig: datapuwa't sa gitna ninyo'y may isang nakatayo na hindi ninyo nakikilala,
(Tagalog AB)
31 At siya'y hindi ko nakilala; datapuwa't upang siya'y mahayag sa Israel, dahil dito'y naparito ako na bumabautismo sa tubig.
32 At nagpatotoo si Juan, na nagsasabi, Nakita ko ang Espiritu na bumababang tulad sa isang kalapati na buhat sa langit; at dumapo sa kaniya.
33 At siya'y hindi ko nakilala; datapuwa't ang nagsugo sa akin upang bumautismo sa tubig, ay siyang nagsabi sa akin, Ang makita mong babaan ng Espiritu, at manahan sa kaniya, ay siya nga ang bumabautismo sa Espiritu Santo.
34 At aking nakita, at pinatotohanan kong ito ang Anak ng Dios.
Para mahayag sa Israel at makilala ni Juan Bautista na si Cristo, Mesias at ang Anak ng Dios, si Juan ay naparito para magbautismo.
Ang Tatlong Maliwanag na Layunin Kung Bakit Binautismuhan si Cristo sa Jordan River
Para sa pagganap ng buong katuwiran ng Dios.
Magbigay ng halimbawa na dapat nating sundan.
Para mahayag Siya sa Israel at makilala ni Juan na Siya ang Anak ng Dios o ang Dios na nagkatawang-tao.
B. Para Saan Naman ang Kalapati?
Ang Espiritu na Dios na bumaba sa anyong kalapati ay hindi rin representation ng diumano'y ikatlong persona ng pagka-Dios, kundi isa itong espesyal na palatandaan kay Juan para makilala kung sino ang tagapagbautismo sa Espiritu Santo at kung sino ang Anak ng Dios - Dios na nagkatawang-tao.
(Tagalog AB)
32 At nagpatotoo si Juan, na nagsasabi, Nakita ko ang Espiritu na bumababang tulad sa isang kalapati na buhat sa langit; at dumapo sa kaniya.
33 At siya'y hindi ko nakilala; datapuwa't ang nagsugo sa akin upang bumautismo sa tubig, ay siyang nagsabi sa akin, Ang makita mong babaan ng Espiritu, at manahan sa kaniya, ay siya nga ang bumabautismo sa Espiritu Santo.
34 At aking nakita, at pinatotohanan kong ito ang Anak ng Dios.
May hula sa na si Juan ay magiging forerunner ng Dios, kaya kinakailangan malaman niya kung tunay ngang si Jesus ang nag-iisang Dios na nagkatawang-tao.
(Tagalog AB)
3 Ang tinig ng isang sumisigaw, Ihanda ninyo sa ilang ang daan ng Panginoon pantayin ninyo sa ilang ang lansangan para sa ating Dios.
Kaya't ang sabi ng Dios sa kaniya:
(Tagalog AB)
33 At siya'y hindi ko nakilala; datapuwa't ang nagsugo sa akin upang bumautismo sa tubig, ay siyang nagsabi sa akin, Ang makita mong babaan ng Espiritu, at manahan sa kaniya, ay siya nga ang bumabautismo sa Espiritu Santo.
34 At aking nakita, at pinatotohanan kong ito ang Anak ng Dios.
Kung ikukumpara mo ang hula ni Isaiah at ang katuparan sa , maunawaan mo na ang ibig sabihin ng Anak ng Dios ay naparito ang Dios at ito'y natupad noong Siya'y nagkatawang-tao.
May isa pang hula si Isaiah tungkol sa iisang Dios na Siya ay paririto at ito'y natupad kay Cristo.
(Tagalog AB)
3 Inyong palakasin ang mga mahinang kamay, at patatagin ang mga mahinang tuhod.
4 Inyong sabihin sa kanila na matatakuting puso, Kayo'y mangagpakatapang, huwag kayong mangatakot: narito, ang inyong Dios ay pariritong may panghihiganti, may kagantihan ng Dios; siya'y paririto at ililigtas kayo.
5 Kung magkagayo'y madidilat ang mga mata ng bulag, at ang mga pakinig ng bingi ay mabubuksan.
6 Kung magkagayo'y lulukso ang pilay na parang usa, at ang dila ng pipi ay aawit: sapagka't sa ilang ay bubukal ang tubig, at magkakailog sa ilang.
(Tagalog AB)
18 At ibinalita kay Juan ng kaniyang mga alagad ang lahat ng mga bagay na ito.
19 At sa pagpapalapit ni Juan sa kaniya ng dalawa sa kaniyang mga alagad, ay sinugo sila sa Panginoon, na nagpapasabi, Ikaw baga yaong paririto, o hihintayin namin ang iba?
20 At pagdating sa kaniya ng mga tao, ay kanilang sinabi, Pinaparito kami sa iyo ni Juan Bautista, na ipinasasabi, Ikaw baga yaong paririto, o hihintayin namin ang iba?
21 Nang oras na yaon ay nagpagaling siya ng maraming may sakit at mga pagkasalot at masasamang espiritu; at kaniyang pinagkaloobang mangakakita ang maraming bulag.
22 At sumagot siya at sa kanila'y sinabi, Magsiparoon kayo, at sabihin ninyo kay Juan ang mga bagay na inyong nangakita at nangarinig; ang mga bulag ay nangakakakita, ang mga pilay ay nagsisilakad, ang mga ketongin ay nangalilinis, at ang mga bingi ay nangakaririnig, ang mga patay ay ibinabangon, sa mga dukha ay ipinangangaral ang mabubuting balita.
Sino raw ang paririto? Ang Dios - meaning ang Ama. Kanino ito natupad? Kay Cristo. Kaya ang hula sa :
(Tagalog AB)
6 Sapagka't sa atin ay ipinanganak ang isang bata, sa atin ay ibinigay ang isang anak na lalake; at ang pamamahala ay maaatang sa kaniyang balikat: at ang kaniyang pangalan ay tatawaging Kamanghamangha, Tagapayo, Makapangyarihang Dios, Walang hanggang Ama, Pangulo ng Kapayapaan.
Sino ito? Si Jesus Christ.
Ang Espiritu ng Dios na bumaba sa anyong kalapati ay simbolo rin ng pagpupunas o anointing kay Cristo para sa pagpapasimula ng Kaniyang ministry. Sa Old Testament, ang propeta, Saserdote at mga hari ay pinupunasan o ina-anoint ng langis, patunay na pinili Siya ng Dios at
gampanan ang tungkulin (; ; , ) at ang langis ay simbolo ng Espiritu ng Dios.
Ayon sa hula, ang Mesias o Cristo ay pupunasan din (; ; ). Dahil naparito si Jesus upang gampanan ang tungkulin ng isang propeta, hari at Saserdote (; ; ), kailangang i-anoint Siya bilang pagpapasimula sa pagganap ng mga
tungkuling ito.
Ang tanong, sino ang kuwalipikadong mag-anoint sa Kaniya?
Tandaan natin na si Jesus, Siya ang Dios na nagkatawang-tao, kaya ang anointing ay direktang galing sa langit, sa pamamagitan mismo ng Espiritu Santo sa anyong kalapati.
Para Malinaw, ang Espiritu Santo na Bumabang Tulad sa Kalapati ay:
Espesyal na palatandaan kay Juan Bautista para makilala kung sino ang tagapagbautismo sa Espiritu Santo at ang Anak ng Dios o Dios na nagkatawang-tao.
Direktang anointing kay Cristo bilang Propeta, Hari at Saserdote para sa pagpapasimula ng Kaniyang ministry.
C. Para Saan Naman ang Tinig ng Ama?
Again, ang tinig ng Ama ay hindi nag-introduce na Siya ang Persona Numero Uno kundi may mensaheng gustong iparating sa mga Israelitang naroroon.
Kung ang kalapati ay espesyal na palatandaan kay Juan, ang tinig naman ay para sa kapakinabangan ng mga tao.
(Tagalog AB)
17 At narito, ang isang tinig na mula sa mga langit, na nagsasabi, Ito ang sinisinta kong Anak, na siya kong lubos na kinalulugdan.
Ang kahalintulad na pangyayari kung saan narinig ang tinig ng Dios ay mababasa natin sa .
(Tagalog AB)
28 Ama, luwalhatiin mo ang iyong pangalan. Dumating nga ang isang tinig na mula sa langit, na nagsasabi, Niluwalhati ko na, at muli kong luluwalhatiin.
29 Ang karamihan ngang nangaroroon, at nangakarinig, ay nagsipagsabing kumulog: sinabi ng mga iba, Isang anghel ang nakipagusap sa kaniya.
30 Sumagot si Jesus at sinabi, Ang tinig na ito'y hindi dumating dahil sa akin, kundi dahil sa inyo.
Sa talatang ito, kinumpirma ng tinig ang pagka-Dios ni Cristo sa mga tao at sinabing ang tinig na ito ay hindi para sa Kaniya kundi para sa mga tao. Anong ibig sabihin?
Kung bakit narinig ang tinig ay maliwanag na ito ang paraan ng Dios para pormal na ipakilala si Jesus sa Israel bilang Anak ng Dios. Sa dami ng taong naroon at nabautismuhan (), pinili ng Espiritu ang taong si Cristo Jesus at kinilala Siya bilang Anak ng Dios sa pamamagitan ng
mahimalang tinig mula sa langit.
Sa Pagtatapos
Sa pagtatapos, linawin natin na ang pagbabautismo kay Jesus sa Jordan River ay hindi pag-introduce ng panibagong aral sa mga Monotheistic Jews na mayroong isang Dios sa tatlong magkaibang persona o Trinity kundi sa halip ang pagbabautismo kay Cristo ay nangyari upang:
Ganapin ang katuwiran ng Dios, magbigay ng halimbawa, para mahayag sa Israel at makilala ni Juan na Siya ang tagapagbautismo sa Espiritu Santo at Siya ang Anak ng Dios.
Ang kalapati ay espesyal na palatandaan kay Juan para makilala ang Dios na nagkatawang-tao at kung sino ang tagapagbautismo sa Espiritu Santo. Ito rin ay simbolo ng pagpupunas o anointing kay Cristo para pasimulan ang Kaniyang ministry.
Habang ang tinig naman ay narinig upang pormal na ipakilala si Jesus sa Israel bilang Anak ng Dios at ang tinig na ito ay para sa kapakinabangan ng mga tao at hindi para kay Cristo.
Praise the Lord.
Scriptures in this article
38 passages: select one to read it in all three translations.
Author and editor | Pastor
Ranny writes and edits biblical articles, doctrinal studies, and Scripture resources from an Apostolic Oneness perspective.
Author profile