OnenessDoctrine
Church History

Ang Biblia (Salita ng Dios) Part 1

Tinutuklas ng artikulong ito kung ano ang Biblia bilang kinasihang Salita ng Dios, kasama ang pinagmulan nito, mga pangalan, orihinal na wika, pag-iingat, at kasaysayan ng pagsasalin hanggang makarating sa atin ngayon.

Posted Aug 21, 2026

Updated Aug 21, 2026

By Ranny D. Cometa

5 views18 min read

Sapagka't ang salita ng Dios ay buhay, at mabisa, at matalas kay sa alin mang tabak na may dalawang talim, at bumabaon hanggang sa paghihiwalay ng kaluluwa at espiritu, ng mga kasukasuan at ng utak, at madaling kumilala ng mga pagiisip at mga haka ng puso.

Panimula:

Isa sa pinaka-mabisang kasangkapan na mayroon tayo ay ang Salita ng Dios, ang Biblia. Ito'y tabak ng Espiritu na magagamit natin laban sa kaaway - ang Diablo (; ), at ang tanging aklat na marami ng buhay ng tao ang binago.

I - Ano ang Biblia?

Ang Biblia ay ang kinasihang Salita ng Dios.

At mula sa pagkasanggol ay iyong nalalaman ang mga banal na kasulatan na makapagpadunong sa iyo sa ikaliligtas sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo Jesus. 16 Ang lahat ng mga kasulatan na kinasihan ng Dios ay mapapakinabangan din naman sa pagtuturo, sa pagsansala, sa pagsaway, sa ikatututo na nasa katuwiran: 17 Upang ang tao ng Dios ay maging sakdal, tinuruang lubos sa lahat ng mga gawang mabuti.

Kinasihan - mula sa Griegong Salita: Theopneustos (Theos, "God," pneo, "to breathe") hiningahan ng Dios, ay nangangahulugang ang pagsasalita ng Dios sa pamamagitan ng tao, kung kaya't ang Biblia ay ang Salita ng Dios, na para bagang ang Dios mismo ang Siyang nangusap ng bawat titik nito sa pamamagitan ng Kaniyang mga labi (; )

II - IBA'T-IBANG PANGALANG ITINATAWAG SA BIBLIA

Ang biblia ay tinatawag sa iba't-ibang pangalan. Ilan sa mga ito ay:

Ang aklat (The book) - Nang magkagayo'y sinabi ko, Narito, ako'y pumarito (sa balumbon ng aklat ay nasusulat tungkol sa akin.) Upang gawin, Oh Dios, ang iyong kalooban.

Then said I, Lo, I come (in the volume of the book it is written of me,) to do thy will, O God.

Ang Salita ng Dios - Sapagka't ang salita ng Dios ay buhay, at mabisa, at matalas kay sa alin mang tabak na may dalawang talim, at bumabaon hanggang sa paghihiwalay ng kaluluwa at espiritu, ng mga kasukasuan at ng utak, at madaling kumilala ng mga pagiisip at mga haka ng puso. (Basahin din: ).

Ang mga kasulatan - Saliksikin ninyo ang mga kasulatan, sapagka't iniisip ninyo na sa mga yaon ay mayroon kayong buhay na walang hanggan; at ang mga ito'y siyang nangagpapatotoo tungkol sa akin.

Matanda at Bagong Tipan - Na sa amin naman ay nagpapaging sapat na mga ministro ng bagong tipan; hindi ng titik, kundi ng espiritu: sapagka't ang titik ay pumapatay, Datapuwa't ang espiritu ay nagbibigay ng buhay. Datapuwa't ang kanilang mga pagiisip ay nagsitigas: sapagka't hanggang sa araw na ito, pagka binabasa ang matandang tipan, ang talukbong ding iyon ay nananatili na hindi itinataas, na ito'y naalis sa pamamagitan ni Cristo. (basahin din: )

Aklat ng Panginoon - Inyong saliksikin sa aklat ng Panginoon, at inyong basahin: kahit isa sa mga ito ay hindi magkukulang, walang mangangailangan ng kaniyang kasama; sapagka't iniutos ng aking bibig, at pinisan sila ng kaniyang Espiritu.

Salita ni Cristo - Manahanan nawang sagana sa inyo ang salita ni Cristo; ayon sa buong karunungan. (Basahin din ang ).

III - Ang orihinal na mga salitang ginamit sa Biblia

Ang Biblia ay orihinal na naisulat sa tatlong Salita: Hebreo, Aramaico, at Griego. Taliwas sa opinyon ng ibang mga tao, ang mga salitang ito ay hindi patay na mga salita. Ang Hebreo ay ang Lengguwahing sinasalita sa Bagong Estado ng Israel, ang Aramaico ay sinasalita ng maliit na bilang ng mga Cristiano sa kapaligiran ng Syria, at ang Griego ay sinasalita ng milyun-milyong tao sa panahong kasalukuyan, bagama't may kaibahan ito sa Griego ng Bagong Tipan. (School of the Scripture, By: Lee Stoneking, page 20).

Ang Griyego ng Bagong Tipan ay Koine o Hellenistic Greek, ang lengguwahe ng pandaigdigang kalakalan noong unang siglo, taon ng Panginoon (1st century A.D.). Sa nakalipas na mga siglo ang mga iskolar ay naguguluhan sa kaibahan ng Griyego ng Bagong Tipan at sa panitikang Griyego ng klasikong manunula at dramatista o manunulat ng dula at mga pilosopo. Ipinagpapalagay pa ng ilan na ang Biblia ay gumamit ng espesyal na "Griyegong ukol sa Espiritu Santo." Subalit ang pagkaka-diskubre ng unang siglong mga sulat at mga dokumentong pang negosyo mula sa Ehipto ay kapani-paniwalang nagpapakita na ang Bagong Tipan ay naisulat noong unang siglo at ayon sa katutubong wika ng pangkaraniwang mga tao ng siglong yaon. (God's infallible word, D.K. Bernard, Page 101).

Kaya, upang magkaroon ng tamang kaunawaan sa mga salita ng Biblia, makabubuting gumamit ng konkordans at diksiyunaryong nagpapaliwanag sa ugat ng mga salitang ito (Hebreo, Aramaico at Griego) para sa eksaktong pagbibigay-kahulugan ng bawat salita.

IV - Kung paano naisulat ang Biblia hanggang sa mapasa-kamay natin

(Light for Living, By: Jerry Twentier and Marcella Willhoite, Pages 9-20)

A. Ang unang 2500 taong kasaysayan ng tao

Ang unang 2500 taong kasaysayan ng tao ay walang kasulatang naisulat ang umiiral. Ang tao ay nakikipag-ugnayan lamang sa Dios sa pamamagitan ng:

  1. Direktang pakikipag-usap sa Dios

Halimbawa:

At tinawag ng Panginoong Dios ang lalake at sa kaniya'y sinabi, Saan ka naroon? 10 At sinabi niya, Narinig ko ang iyong tinig sa halamanan, at ako'y natakot, sapagka't ako'y hubad; at ako'y nagtago. 11 At sinabi niya, Sinong nagsabi sa iyong ikaw ay hubad? nakakain ka ba ng bunga ng punong kahoy, na iniutos ko sa iyong huwag mong kanin?

Basahin din: ; ; ; ; . Ang mga ito ay ilan lang sa mga patunay na ang Dios ay direktang nakikipag-usap sa mga tao.

  1. Kapahayagan ng mga nilikha - "Ang kalangitan ay nagpapahayag ng kaluwalhatian ng Dios; at ipinakikilala ng kalawakan ang gawa ng kaniyang kamay."

  2. Tinig sa loob ng budhi ng tao - (Sapagka't kung ang mga Gentil na walang kautusan sa katutubo, ay nagsisigawa ng mga bagay ng kautusan, ang mga ito, na walang kautusan, ay siyang kautusan sa kanilang sarili; 15 Na nangagtatanyag ng gawa ng kautusang nasusulat sa kanilang puso, na pinatotohanan ito pati ng kanilang budhi, at ang kanilang mga pagiisip ay nangagsusumbungan o nangagdadahilanan sa isa't isa.

Sa pamamagitan ng tatlong kaparaanang ito, ang tao ay kumikilala sa Dios at nalalaman kung ano ang kalooban ng Dios.

B. Ang Dios ay gumamit din ng mga taong banal na inudyokan ng Kaniyang Espiritu upang isulat sa aklat ang Kaniyang mga Salita.

Ang Dios, na nagsalita nang unang panahon sa ating mga magulang sa iba't ibang panahon at sa iba't ibang paraan sa pamamagitan ng mga propeta.

Ang salita na dumating kay Jeremias na mula sa Panginoon, na nagsasabi, 2 Ganito ang sinasalita ng Panginoon, ng Dios ng Israel, na nagsasabi, Iyong isulat sa isang aklat ang lahat ng mga salita na aking sinalita sa iyo.

Na maalaman muna ito, na alin mang hula ng kasulatan ay hindi nagbuhat sa sariling pagpapaliwanag. 21 Sapagka't hindi sa kalooban ng tao dumating ang hula kailanman: kundi ang mga tao ay nagsalita buhat sa Dios, na nangaudyokan ng Espiritu Santo.

V - Ang pagbibigay ng unang kasulatan

Ang unang kasulatan ay isinulat ng Dios sa mga tapyas ng bato at ito'y Kaniyang ibinigay kay Moises.

At kaniyang ibinigay kay Moises, pagkatapos na makipagsalitaan sa kaniya sa ibabaw ng bundok ng Sinai, ang dalawang tapyas ng patotoo, na mga tapyas na bato, na sinulatan ng daliri ng Dios.

Mga pamamaraan kung paano naingatan ang naisulat na Salita ng Dios

Ang Israel, bansang pinili ng Dios, ay ang pinagkatiwalaan ng Dios kung paano maiingatan ang Kaniyang Salita para sa lahat ng henerasyon. Narito ang ilan sa mga pamamaraan kung paano nila iniingatan ang naisulat na salita ng Dios:

  1. Inilalagay ito sa kaban ng Tipan, ang pinakaligtas na taguan upang maingatan ang nakasulat na kasunduan ng Dios sa Israel.

Sapagka't inihanda ang isang tabernakulo, ang una, na kinaroroonan ng kandelero, at ng dulang, at ng mga tinapay na handog; na siyang tinatawag na Dakong Banal. 3 At sa likod ng ikalawang tabing ay ang tabernakulo na tinatawag na Dakong Kabanalbanalan; 4 Na may isang gintong dambana ng kamangyan at kaban ng tipan, at ang paligid ay nakakalupkopan ng ginto, na siyang kinaroroonan ng sisidlang-ginto na may lamang mana, at tungkod ni Aaron na namulaklak, at mga tapyas na bato ng tipan;

  1. Bawat mauupong hari sa Israel ay ginagawan ng kopya nito -

At mangyayari, na pagka siya'y luluklok sa luklukan ng kaniyang kaharian, ay kaniyang susulatin ang isang salin ng kautusang ito sa isang aklat, na nasa harap ng mga saserdote na mga Levita: 19 At mamamalagi sa kaniya, at kaniyang babasahin sa lahat ng mga araw ng kaniyang buhay: upang siya'y magaral na matakot sa Panginoon niyang Dios, upang isagawa ang lahat ng mga salita ng kautusang ito at ng mga palatuntunang ito; 20 Upang ang kaniyang puso ay huwag magmataas sa kaniyang mga kapatid at siya'y huwag maligaw sa utos, maging sa kanan, o sa kaliwa: upang kaniyang maparami ang kaniyang mga araw sa kaniyang kaharian, niya, at ng kaniyang mga anak sa gitna ng Israel.

  1. Ang buong kautusan ay binabasa kada ikapitong taon

At isinulat ni Moises ang kautusang ito, at ibinigay sa mga saserdote na mga anak ni Levi, na silang nagdadala ng kaban ng tipan ng Panginoon, at sa lahat ng matanda sa Israel. 10 At iniutos sa kanila ni Moises, na sinabi, Sa katapusan ng bawa't pitong taon, sa takdang panahon ng taon ng pagtubos, sa kapistahan ng mga balag, 11 Pagdating ng buong Israel upang pakita sa harap ng Panginoon mong Dios sa dakong kaniyang pipiliin ay iyong babasahin ang kautusang ito sa harap ng buong Israel sa kanilang pakinig.

Noong 700 A.D, isang grupo ng mga hudyong iskolar, tinatawag na Masoretes, ang nakabuo ng isang sistema sa wastong pagsasalin ng kasulatan ng Matandang Tipan para sa darating na mga henerasyon. Istriktong panuntunan ang ipinatutupad sa lahat ng mangongopya. Una, walang salita o letra ang maaaring isulat mula sa memorya. Pangalawa, ang Eskriba'y kinakailangang tingnang mainam ang bawat salita at pagkatapos ay babanggitin ito bago isulat, at pangatlo, ang mga salita at letra ng bawat pangkat ay bibilangin. Kapag ang kabuuang bilang ay hindi tumugma sa orihinal, ang manuskrito ay sisirain.

Ang pagka-imbento ng printing machine

1450 ay naimbento ni Johann Gutenberg ang moveable printing machine. Nakipagsosyo Siya kay Johann Fust, isang negosyante at mamumuhunang Aleman. Dito'y pinasimulan nilang iimprinta ang Biblia at iba pang babasahin. Ang Gutenberg Bible na inimprinta sa pagitan ng 1452 at 1455 ay umabot sa 180 kopya ang bilang na nagawa. Microsoft (R) Encarta (R) 2006. (C) 1993-2005 Microsoft Corporation. All rights reserved. (Gutenberg, Johann)

VI - Ang pagsasalin ng Biblia, hanggang sa mapasa-kamay natin

(Alpha Bible Course, Bible Intro., Page 24-33, By: Ralph Vincent Reynolds)

  • Simula 277 BC hanggang sa panahong kasalukuyan, iba't-ibang salin mula sa orihinal na Hebreo at Griegong Kasulatan ang lumitaw. Pinakakilala dito ay ang King James Version na ang pagsasalin nito'y ayon sa panukala at kapahintulutan ni King James I ng England na inilathala noong 1611. Naging bantog ang saling ito at siyang naging pandaigdigang pamantayan ng pananampalataya lalo na sa daigdig ng mga Ingles.

  • Noong 277 BC - pitumpung iskolar mula sa Alexandria, Egypt ay nagpasimulang magsalin ng Biblia. (Tinawag itong Septuagint na ang ibig sabihin ay 70).

  • Ang Vulgate - ito ang Salin sa latin ng Septuagint Bible ng Old and New Testament na ginawa sa North Africa at nirebisa ni Jerome noong ikaapat na siglo. 388 A.D. Natapos ni Jerome (Eusebius Hieronymus) ang pagrebisa sa sinaunang Latin Version ng Biblia, ayon sa mungkahi ni Pope Damascus, at ito'y tinawag na Latin Vulgate na siyang naging pamantayang Biblia ng Katoliko sa loob ng mahigit isang libong taon. Ang pangkaraniwang mamamayan ay hindi makabasa ng latin, kaya't ang mga lider ang siyang nagbabasa nito sa kanila.

  • Anglo-Saxon Translation - taong 450 A.D. ang Salitang Anglo Saxon (Old English) ay ipinakilala sa England ng mga mananakop. Si Alfred the Great, ang kinoronahang hari sa edad na 22 ay nag-utos na ang buong Biblia ay isalin sa wikang Anglo Saxon. Namatay siyang hindi nakita ang pagkabuo nito.

  • Taong 1378, sinalungat ni John Wycliffe at ng ilang kasamahan niya sa Oxford University ang tradisyon ng Simbahang Katoliko sa pamamagitan ng pagsasalin sa wikang Ingles ng Bibliang Latin Vulgate. (Microsoft (R) Encarta (R) 2006). Ang pagsasaling ito ay inabot ng 22 taon. Kinontra ito ng Simbahang Katoliko, hanggang sa ipagbawal ang pagbabasa nito sa ilalim ng parusang kamatayan.

  • 1450 - naimbento ni Johann Gutenberg ang printing machine at unang naimprinta dito ay ang Biblia. Malaki ang naitulong ng imbensiyong ito upang mapadali ang pagpapalaganap ng Salita ng Dios.

  • Noong 1525 si William Tyndale, isa sa mga Protestant Reformers at kasabayan ni Martin Luther ay gumawa ng isa pang salin sa Ingles na Biblia. Siya ang kauna-unahang naglathala ng Bagong Tipan sa wikang Ingles na nakaimprinta. Isinalin niya ito mula sa Griegong Salita at pinaniniwalaang ang pagkakasalin nito'y angkop na angkop.

  • Noong 1535, natapos ni Miles Coverdale ang kauna-unahang kumpletong salin ng Biblia at Apocrypha na inilimbag sa Ingles, ang gawang ito ay inihandog kay Henry VIII hari sa England. Microsoft (R) Encarta (R) 2006.

  • The Great Bible (1539) - Ang kauna-unahang bersiyon ng Biblia na binigyang pahintulot sa pamamagitan ng pagsang-ayon ng Haring Henry VIII.

  • Bloody Mary (Mary Tudor: 1516-1558). Si Mary I (Anak ni Henry VIII at unang asawa nito na si Catherine ng Aragon) ay naging reyna sa England simula 1553-1558, pagkatapos mamatay ang kaniyang kapatid na si Edward VI noong Julio 6, 1553. Sa Kaniyang pag-upo sa trono, ang paglilimbag, importasyon at sirkulasyon ng mga Biblia ay ipinagbawal. Tinawag siyang "Bloody Mary" sapagka't sa kaniyang limang taong panunungkulan, sina Nicholas Ridley, Thomas Cranmer, Hugh Latimer at mahigit sa 300 mga lalaking nagmamahal sa Biblia ay sinunog at pinatay sa tulos. Sa impluwensiya ng kaniyang mga tagapayong Obispo, ginawa niya ang mga bagay na ito upang maibalik ang England sa Simbahan ng Roma, ang Katolisismo. Si Mary I ay Namatay sa London noong Nobyembre 17, 1558 ng walang anak at siya'y pinalitan ng protestante niyang kapatid na si Elizabeth I.

  • Elizabeth I (1533-1603), Naging Reyna ng England at Ireland simula 1558-1603. Pinasinayaan niya ang kaniyang pagiging Reyna sa pamamagitan ng pagdidiin ng kopya ng Biblia sa kaniyang labi at puso. Nagdala ito ng isang dakilang pagbabago at kasiyahan sa mga mamamayan. Ang Elizabethan Period ay tinawag na "Golden Age", ang kapanahunan ng kahanga-hangang tagumpay sa panitikan (literature), panahon nina William Shakespeare, Sir Phillip Sidney at Edmund Spencer.

  • Geneva Bible - Noong 1560 lumitaw ang napaka-halagang edisyon ng Biblia, ang Geneva Bible. Ito ay isinalin ng mga reformers na nagtungo sa Geneva Switzerland dahil sa matinding pag-uusig ni Queen Mary. Doon ay isinalin nila ang panibagong Biblia na direkta mula sa orihinal na Hebreo at Griegong kasulatan. Maliit lang ang sukat nito at ito'y naging bantog. Ito ang Biblia na ginamit nina Shakespeare, Cromwell at John Bunyan. Dinala ito sa Estados Unidos ng mga Pilgrims (Sekta ng mga Puritans, tinatawag na Brownists, na humiwalay sa Church of England at dahil sa matinding pag-uusig ay nanganlong sa Netherlands at pagkatapos ay dumayo sa Estados Unidos noong Setyembre 16, 1620).

  • 1568 - ang Bishop's Bible ay inilabas ng lupon ng mga Obispo. Mahina ang pagkakasalin nito, hindi naging bantog, at ginamit lamang sa maiksing panahon.

  • Ang DOUAY BIBLE - Noong 1582, isinalin ng Romano Katoliko ang Bagong Tipan sa Rheims (Siyudad sa North East France) at noong 1610, isinalin naman nila ang Matandang Tipan sa Douay (Bayan sa Northern France). Nakapaloob sa Bibliang ito ang Apocrypha. Ang douay version ay isinalin mula sa Latin Vulgate at ito'y naglalaman ng maraming pagkakamali na hindi masuportahan sa pamamagitan ng Orihinal na Hebreo at Griegong Kasulatan.

  • Ang APOCRYPHA (Greek apokryphos, "hidden"). Salitang nilikha ni Jerome (isang Iskolar sa Biblia, noong ika 5 siglo), at ipinangalan sa labing apat na aklat na idinagdag nito sa Orihinal na 66 na aklat ng Biblia. Tinanggap ito ng mga katoliko, subalit hindi ito ipinagpapalagay na canonical Scriptures ng mga protestante (Canon - listahan ng mga aklat na kinikilala bilang maka-Dios na kinasihan at kabilang sa Biblia).

KING JAMES VERSION (Authorized Version) - inilathala ito noong 1611. Tinawag itong Authorized Version sapagkat ang pagsasalin nito ay hinimok at ipinanukala ni King James I ng England. Ang King James Version ang, hanggang sa ngayon ay naging pandaigdigang pamantayan para sa mga Cristianong naniniwala sa Biblia sa daigdig ng mga Ingles.

Paglipas ng maraming taon, naglitawan narin ang iba't-ibang modernong salin ng Biblia na ngayon ay kasalukuyang ginagamit ng mga naniniwala rito. Ilan sa mga saling ito ay ang:

  • Revised Version (1881)

  • American Standard Version (1901)

  • Revised Standard Version (1946)

  • New World Translation - J. Witnesses Bible (1950)

  • New American Standard Version (1960)

  • Moffatt (1924-1926)

  • The Amplified Bible (1965)

  • Jerusalem Bible (1966)

  • Living Bible (1962-1971)

  • Common Bible (1973)

  • Today's English Version (1966-1976)

  • New International Bible (1973-1979)

  • New King James Version (1982), at marami pang iba.

VII - Anong salin ng Biblia ang dapat nating gamitin?

Sa paglitaw ng maraming salin ng Biblia marahil ay maitatanong natin kung aling salin ang nararapat gamitin bilang batayan ng ating pananampalataya at pagtuklas ng mga katotohanan tungkol sa Salita ng Dios.

Narito ang ilan lang sa mga kadahilanan kung bakit King James Version ang inererekomenda nating pangunahing salin na dapat gamitin at ang iba ay karagdagan na lang dito:

  1. Isinalin ito ng walang mga tala (notes) ng anumang sekta, sang-ayon sa utos ng hari.

  2. Sa loob ng 7 taon (1604-1611), masikap itong isinalin ng 47 mga tagapagsalin na pawang magagaling na iskolar sa kanilang kapanahunan at mga taong mataas ang pananaw sa inspirasyon ng kasulatan.

  3. Ang makalumang wikang ingles na ginamit dito ay humihimok sa atin upang alamin ang orihinal na kahulugan ng salita at ng sa gayo'y nalalaman natin kung ano ang ibig ipahiwatig ng nagsulat ng talata.

Sa interpretasyon ng Biblia, tinatawag natin itong Exegesis, o ang pagpapalitaw ng tunay na kahulugan mula sa teksto. Iba ito sa eisogesis - ang paglalagay nang kahulugan sa teksto.

Samakatuwid, kapag nakabasa tayo ng makaluma o lipas ng mga salita ng KJV ay kumukuha tayo ng diksiyunaryong naglalaman ng orihinal na mga salitang ginamit para malaman kung ano ang totoong ibig ipakahulugan ng sumulat nito.

Ang KJV ang bibliyang ginamit ng ating mga ninuno upang maipaabot sa atin ang totoong mensahe ng kaligtasan at tunay na pagkakilala sa nag-iisang tunay na Dios. Kaya...

"Huwag mong baguhin ang dating muhon ng lupa, na inilagay ng iyong mga magulang."

Hindi rin maikakailang minsan ay may mga pagkakamali sa pagkopya, pagsasalin at paglilimbag ng mga Kasulatan, gayunpaman, pinanatili ng Dios ang Kaniyang kamay sa proseso ng pagsasalin upang mapanatili ang Kaniyang salita sa lahat ng panahon (Basahin: ).

VIII - Paano natin mapapatunayang ang Biblia ay totoo?

Maliban sa mga patunay na binabanggit sa loob mismo ng Biblia tungkol sa katotohanan nito, ang larangan ng Siyensiya, Medisina, Kasaysayan, arkeolohiya at maging ang mga pergamino o balumbon ng aklat sa Patay na Dagat ay nagpapahayag din sa katotohanan ng Biblia.

Siyensiya

Bago pa matuklasan ng mga manlalayag sa panahon ni Christopher Columbus na ang mundo ay pabilog (Spherical shape), naitala na ito sa Biblia -

Siya ang nakaupo sa balantok ng lupa, (circle of the earth) at ang mga nananahan doon ay parang mga balang; siyang naglaladlad ng langit na parang tabing, at inilaladlad na parang tolda upang tahanan;

Sinasabi sa "Kaniyang iniuunat ang hilagaan sa pagitang walang laman, at ibinibitin ang lupa sa wala." Ang talatang ito ay naisulat mga 1600 B.C., subalit, noong 1530 A.D. lamang ay nadiskubre ni Nicolaus Copernicus (Polish Astronomer) na ang daigdig ay nakabitin sa kalawakan. (The Apostles Doctrine, By: World Aflame Publication, Page 28). 1543, iminungkahi o ipinagpalagay na tama (Postulated) ni Copernicus na ang daigdig at iba pang mga planeta ay umiikot sa nakatigil na Araw (Heliocentric-Sun centered Theory - Encarta Encyclopedia, Copernican System), taliwas ito sa naunang teorya ni Claudius Ptolemy, ang Geocentric - earth centered theory. Kaya, bago pa matuklasan ng Siyensiya na ang daigdig ay nakabitin sa kalawakan, matagal na itong nakasulat sa Aklat ni Job.

Ilan ang mga bituin sa langit?

Ang Siyensiya ay laging may sagot dito. Ayon kay Hipparchus, Ama ng Griegong Astronomiya, ang bilang daw diumano ng mga bituin ay 1,080 at ito ay pinaniwalaan ng mga tao sa loob ng halos 300 taon.

Scriptures in this article

35 passages: select one to read it in KJV and TGL.

Ranny D. Cometa

Author and editor | Pastor

Ranny writes and edits biblical articles, doctrinal studies, and Scripture resources from an Apostolic Oneness perspective.

Author profile

Related Articles