Sa Biyaya Kayo'y Naligtas sa Pamamagitan ng Pananampalataya
Bible study summary tungkol sa Ephesians 2:8-9 at sa pananampalatayang pinatutunayan ng pagsunod sa salita ng Panginoon.
Posted Aug 25, 2026
Updated Aug 27, 2026
10 views11 min read
Praise the Lord. Ang topic natin dito, mga kapatid, ay isa sa pinakamahalagang bahagi ng New Testament Plan of Salvation: ang sinasabi ng , "by grace you are saved through faith."
May mga gumagamit ng talatang ito para sabihin na sapat na raw ang simpleng paniniwala. Manampalataya ka lang, ligtas ka na, at hindi na raw kailangan ang pagsisisi, water baptism, at pagtanggap ng Holy Ghost. Pero hindi po puwedeng pag-awayin ang mga talata ng Biblia. Ang Word of God ay hindi nagkokontrahan.
Sa nakaraang pag-aaral, natalakay yung laman ng Great Commission. Kung meron mang pinaka credible at may authority na sumagot sa tanong na "ano ang gagawin upang maligtas," walang iba kundi ang Tagapagligtas mismo, ang ating Panginoong Jesucristo.
Sabi ng Biblia, ang pangalan Niya ay Jesus sapagkat ililigtas Niya ang Kanyang bayan sa kanilang mga kasalanan. At sabi rin ng , Siya ang ating dakilang Diyos at Tagapagligtas na si Jesucristo. Kaya pag-usapan natin, mga kapatid, kung ang "by grace through faith" ba ay kumokontra sa utos mismo ng Panginoon tungkol sa kaligtasan.
By Grace Through Faith
Ganito ang sinasabi ng :
"Sa biyaya kayo'y nangaligtas sa pamamagitan ng pananampalataya; at ito'y hindi sa inyong sarili, ito'y kaloob ng Diyos; hindi sa pamamagitan ng mga gawa, upang ang sinoman ay huwag magmapuri."
Walang problema sa talata, mga kapatid. Ang kailangan lang ay tamang pagkaunawa. Si Apostol Pablo ay sumusulat dito sa mga believers, sa mga taong nakaranas na ng kaligtasan. Hindi niya tinatanggal ang utos ng Panginoon na manampalataya, magsisi, magpabautismo, at tumanggap ng Espiritu Santo.
Sa Great Commission, naroon ang utos ng Panginoon: humayo kayo, gawin ninyong alagad ang lahat ng mga bansa, at bautismuhan sila. Sa Mark 16, ang sabi, humayo kayo sa buong sanlibutan at ipangaral ang ebanghelyo sa lahat ng kinapal. Ang sumasampalataya at mabautismuhan ay maliligtas. Sa Luke 24, sinabi rin na repentance and remission of sins should be preached in His name among all nations, beginning at Jerusalem.
Kung isasama natin ang laman ng Great Commission, nandiyan ang pananampalataya, repentance, water baptism, at Holy Ghost baptism. Kaya hindi puwedeng basahin ang na parang binubura nito ang ibang malinaw na utos ni Cristo. Ang Biblia ay hindi pinag-aaway-away, mga kapatid. Ito ay pinag-aaralan at inuunawa.
Kaya ang tanong: ano ba ang ibig sabihin ng faith sa Biblia?
Ang Faith ay Hindi Hiwalay sa Obedience
Mula Old Testament hanggang New Testament, ang salvation ay by faith. Pero yung faith na iyon, ipinapakita sa pamamagitan ng pagsunod. Hindi puwedeng sabihin na nananampalataya ka sa Panginoon pero ayaw mong sundin ang ipinag-uutos Niya.
Si Noah, by faith, sumunod sa warning ng Diyos at gumawa ng ark. Si Abraham, by faith, sumunod sa utos ng Diyos. Si Moses at ang Israel, by faith, sumunod nang pinapahiran nila ng dugo ang doorpost, at dahil doon naligtas sila mula sa angel of death. Nang nasa Red Sea na sila, sinabi ng Diyos, "Go forward," at sa pagsunod, sila ay iniligtas.
Kaya mga kapatid, ang pananampalataya sa Biblia ay hindi salita lamang. Ang tunay na faith ay may pagtalima.
"Ang sumasampalataya sa Anak ay may buhay na walang hanggan; datapuwa't ang hindi tumatalima sa Anak ay hindi makakakita ng buhay."
Mapapansin natin, yung hindi sumasampalataya ay inilalarawan bilang hindi tumatalima. Sa , sinasabi rin na hindi lahat ay sumunod sa ebanghelyo. So yung faith at obedience, magkasama iyan.
Ano ang Grace of God?
Para maintindihan natin ang "by grace," kailangan nating makita muna ang kalagayan ng tao. Lahat tayo ay nagkasala. Ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan. No amount of good works can save a person. Hindi kaya ng tao na iligtas ang kanyang sarili.
Kaya ano ang ginawa ng Diyos? Siya mismo ang naparito, nahayag sa laman, nagkatawang tao. Ang Diyos na Espiritu ay nagkaroon ng katawang maihahandog at dugong maibubuhos para sa kasalanan ng tao.
"Datapuwa't ipinagtatagubilin ng Diyos ang kanyang pag-ibig sa atin, na nang tayo'y mga makasalanan pa, si Cristo ay namatay dahil sa atin."
"God was manifest in the flesh."
"Upang sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos ay lasapin niya ang kamatayan dahil sa bawat tao."
Iyan ang grace of God, mga kapatid. Hindi natin kayang tubusin ang ating sarili, pero ang Panginoong Jesucristo ang nagbayad. Ang Kanyang katawan ay inihandog, at ang Kanyang dugo ay nabuhos sa krus ng Kalbaryo para sa ating kasalanan. Praise God.
Sa Old Testament, makikita natin na ang pagtubos sa kasalanan ay may kaugnayan sa dugo. Pinapatay ang handog, kinukuha ang dugo, at inilalagay sa altar para sa atonement. Sabi ng , ang buhay ng laman ay nasa dugo, at ang dugo ang gumagawa ng pagtubos dahil sa buhay.
Kaya ang Diyos na Espiritu, na walang laman at dugo, ay nahayag sa laman. Sabi ng , the Word was made flesh. Sabi ng , God was manifest in the flesh. Bakit Siya nahayag sa laman? Para magkaroon ng katawan at dugo na maihahandog para sa kasalanan ng tao.
Si Jesus Christ ay namatay hindi sa kalagayan bilang Diyos, kundi sa kalagayan bilang tao. Ang Kanyang katawan ang ipinaghandog sa ating kasalanan. Sabi ng , si Cristo ay pinatay sa laman ngunit binuhay sa Espiritu. Yung dugo Niya na nabuhos sa krus ng Kalbaryo, iyon ang ipinangtubos sa atin.
Kaya kapag sinabi nating grace, ito yung unmerited favor of God. Hindi natin pinagsikapan, pero ibinigay sa atin ng Diyos. Ang hindi kayang gawin ng tao, ginawa ng Diyos. Siya ang nag-anyong tao, gaya ng sinasabi sa Filipos 2, para bayaran ang ating kasalanan.
May mga hindi makatanggap na ang Diyos ay nahayag sa laman. Sa mga pilosopiya ng Griyego, hindi raw puwedeng ang Diyos ay magkatawang tao. Pero ang Biblia malinaw: ang Verbo ay nagkatawang tao. Praise God.
Kaya sabi ng , pinapastol ng mga tagapanguna ang church of God, which He purchased with His own blood. Kailan nagkaroon ng dugo ang Diyos? Nang Siya ay nahayag sa laman. Hindi maruming dugo iyon. Hindi dugong makasalanan. Banal na dugo iyon, dahil yung nasa sinapupunan ni Maria ay tatawaging banal, ang Anak ng Diyos.
Ang Faith ay Response Natin sa Grace
Kung ang grace ay ginawa ng Diyos para iligtas tayo, ang faith naman ang response natin sa ginawa ng Diyos.
Parang ganito, mga kapatid. May taong nasa dagat, palutang-lutang, walang pag-asa na mailigtas ang sarili. May dumating na helicopter at hinagisan siya ng lubid. Ang lubid ay ibinigay para siya ay maligtas. Pero ano ang gagawin niya? Titingnan lang ba niya yung lubid? Hindi. Kailangang abutin niya at hawakan.
Hindi ibig sabihin na siya ang nagligtas sa sarili niya. Ang nagbigay ng paraan para siya maligtas ay yung dumating na rescue. Pero kailangan niyang tumugon.
Ganoon din ang faith. Hindi natin inililigtas ang ating sarili, pero tumutugon tayo sa biyaya ng Diyos. Ang faith ay active response sa salvation na ibinigay ng Panginoon.
Hindi Works ang Repentance, Water Baptism, at Holy Ghost Baptism
May nagsasabi, kapag nagsisi ka, nag-effort ka na raw. Kapag nagpabautismo ka, parang nililigtas mo na raw ang sarili mo. Pero hindi ganyan ang tingin ng Biblia sa repentance, water baptism, at Holy Ghost baptism.
Ang repentance ay hindi gawaing ipinagyayabang ng tao. God is working in us. Kapag nagsisi ang tao, iyon ay dahil kinilos ng Diyos ang kanyang puso.
Sabi ng , ang Diyos ang gumagawa sa inyo maging sa pagnanasa at sa paggawa ayon sa Kanyang mabuting kalooban. Kung hindi kikilos ang Diyos sa puso ng tao, hindi siya magsisisi. Kaya ang pagsisisi ay hindi sariling gawa na ipinagyayabang, kundi gawa ng Diyos sa puso ng tao.
"Ang kabutihan ng Diyos ang siyang umaakay sa iyo sa pagsisisi."
Nang nangaral si Peter sa Acts 2, the people were pricked in their hearts. Na-convict ang puso nila. Kaya sila nagtanong, "Men and brethren, what shall we do?" At ang sagot ni Peter ay repent.
Ganoon din sa water baptism. Hindi ito sariling effort para ipagyabang ang kaligtasan. Ito ay sagot ng mabuting konsensya sa Diyos.
"At ngayon bakit ka nagluluwat? magtindig ka, at ikaw ay magpabautismo, at hugasan mo ang iyong mga kasalanan, na tumatawag sa kanyang pangalan."
"Bautismo na ngayon ay nagliligtas din sa atin, hindi sa pag-aalis ng karumihan ng laman, kundi sa paghingi ng isang mabuting budhi sa Diyos."
Kaya huwag nating isipin na ang bautismo ay gawaing pinagsumikapan para iligtas ang sarili. Ang bautismo ay sagot ng malinis na konsensya sa Diyos. Diyos pa rin ang gumagawa sa tao, maging sa desire at sa action. Sa pamamagitan ng pananampalataya, nabibigyan natin ng daan ang pagkilos ng Diyos sa buhay natin.
Sa Holy Ghost baptism, ganun din. Hindi natin ito pinagsikapan. Ito ay promise at gift ng Diyos sa mga sumasampalataya.
"Mula nang kayo'y magsisampalataya ay kayo'y tinatakan ng Espiritu Santo na ipinangako."
Kaya mga kapatid, repentance, water baptism in Jesus' name, at pagtanggap ng Espiritu Santo ay hindi kalaban ng grace. Ito ang biblical response ng faith sa grace of God.
Hindi rin magkalaban ang faith at repentance. Kaya ka nagsisisi dahil naniniwala ka na ang kasalanan ay mali at magdadala sa kapahamakan. Kung hindi ka naniniwala na mali ang kasalanan, bakit ka magsisisi? Kaya ang repentance ay pagpapakita rin ng faith.
Ganoon din sa water baptism. Bakit ka magpapabautismo sa pangalan ni Jesucristo? Dahil nananampalataya ka na ang bautismo sa tubig sa pangalan ni Jesus ay may kaugnayan sa paghuhugas ng kasalanan, gaya ng sinasabi sa . Hindi dahil ligtas ka na kaya ka binautismuhan. Ang sabi ng Biblia, ang sumasampalataya at mabautismuhan ay maliligtas.
Ang Mga Taga-Efeso ay Dumaan Din sa Obedience
Mahalagang tandaan na ang Ephesians ay sulat ni Pablo sa mga believers sa Efeso. Saan nagsimula ang church sa Efeso? Makikita natin sa Acts 19.
Pagdating ni Pablo sa Efeso, nakakita siya ng ilang disciples at tinanong niya sila:
"Tinanggap baga ninyo ang Espiritu Santo nang kayo'y magsisampalataya?"
Sabi nila, hindi pa nila narinig na may ibinigay na Espiritu Santo. Tinanong sila ni Pablo kung sa anong bautismo sila nabautismuhan, at sinabi nila, sa bautismo ni Juan. Ipinaliwanag ni Pablo na si Juan ay nangaral ng baptism of repentance at nagturo na manampalataya sila kay Jesus Christ.
Nang marinig nila ito, nagpabautismo sila sa pangalan ng Panginoong Jesus. Pagkatapos, ipinatong ni Pablo ang kanyang kamay sa kanila, at tinanggap nila ang Holy Ghost at nagsalita sila ng mga wika.
Kaya malinaw, mga kapatid. Yung mga taga-Efeso na sinulatan ni Pablo ng "by grace you are saved through faith" ay hindi hiwalay sa obedience. Sila ay nabautismuhan sa pangalan ni Jesus at nakatanggap ng Espiritu Santo.
Ito ang mahalaga: ang ay hindi sinulat ni Pablo sa mga unbeliever na hindi pa dumaan sa plano ng kaligtasan. Sinulat niya ito sa mga believers na nakaranas na ng kaligtasan. At kung babalikan natin ang Acts 19, makikita natin na ang church sa Efeso ay nagsimula sa mga alagad na tinuruan, pinabautismuhan sa pangalan ng Panginoong Jesus, at tumanggap ng Espiritu Santo.
Kaya hindi puwedeng gamitin ang para alisin ang baptism in Jesus' name at Holy Ghost baptism. Ang tunay na sumasampalataya, nagsisisi sa kasalanan. Ang tunay na sumasampalataya, nagpapabautismo sa tubig. Ang tunay na sumasampalataya, tumatanggap ng Holy Ghost. Everybody say praise the Lord.
Walang Kontradiksyon
Hindi magkaaway ang grace at faith. Hindi rin kalaban ng faith ang repentance, water baptism, at Holy Ghost baptism. Nagkakasundo ang mga ito sa plano ng kaligtasan ng Diyos.
Ang grace ay ang ginawa ng Diyos. Ang faith ay ang response ng tao. At ang tunay na faith, mga kapatid, ay pinatutunayan sa pamamagitan ng pagsunod.
Sa , sinasabi na si Jesus Christ ang gumawa ng walang hanggang kaligtasan sa lahat ng nagsisitalima sa Kanya. Kita ninyo, mga kapatid, napakahalaga ng pagtalima. Kung sinasabi mong nananampalataya ka pero ayaw mong gawin ang ipinag-uutos ni Cristo, hindi iyon tunay na faith.
Sabi rin ng , sa pagbabalik ng Panginoon, Siya ay mahahayag mula sa langit na may nagniningas na apoy, at maghihiganti sa mga hindi nakakakilala sa Diyos at sa mga hindi tumatalima sa ebanghelyo ng ating Panginoong Jesus Christ. Mabigat ito, mga kapatid. Hindi maliit na bagay ang hindi pagsunod sa gospel.
Kaya hindi tama na sabihing, "Maniwala ka lang, wala nang pagsunod." Ang sinasabi ng Biblia: manampalataya ka sa Panginoong Jesus, at ang pananampalatayang iyan ay makikita sa pagsunod sa Kanyang salita.
Ang tunay na sumasampalataya ay nagsisisi. Ang tunay na sumasampalataya ay nagpapabautismo sa pangalan ni Jesucristo. Ang tunay na sumasampalataya ay tumatanggap ng Espiritu Santo. Amen. Praise the Lord.
This article is a summary of a live broadcast on Facebook: watch the original video.
Scriptures in this article
19 passages: select one to read it in KJV and TGL.
Author and editor | Pastor
Ranny writes and edits biblical articles, doctrinal studies, and Scripture resources from an Apostolic Oneness perspective.
Author profile