Born Again: Water Baptism and Holy Spirit Baptism
Ang born again ay isang karanasan na may dalawang bahagi: water baptism at Holy Spirit baptism. Kapag wala ang isa, hindi pa kumpleto.
Posted Sep 7, 2026
1 view12 min read
Praise the Lord. Ang pag-aaralan natin ngayon, mga kapatid, ay may kaugnayan doon sa mga nakaraang pag-aaral tungkol sa salvation. Natalakay na natin mula sa Great Commission ang mga importanteng hakbang na dapat gawin ng isang tao para siya ay maligtas: pananampalataya, repentance, water baptism, Holy Spirit baptism, at holy living.
Ang pananampalataya ang pinaka pundasyon. Sabi nga ng Biblia, without faith it is impossible to please God. Kaya yung repentance, water baptism, Holy Spirit baptism, at Christian living, kung gagawin hiwalay sa pananampalataya, magiging balewala. Pero hindi rin natin puwedeng ihiwalay ang pananampalataya sa mga ipinag-uutos ng Panginoon.
Hindi Magkakontra ang mga Sagot sa Kaligtasan
May tatlong passages sa New Testament na tumatalakay sa tanong: ano ang gagawin ng isang tao para siya ay maligtas?
Una, ang nagsalita ay ang ating Panginoong Jesucristo sa pag-uusap Niya kay Nicodemo. Pangalawa, si Apostol Pedro sa Acts 2. Pangatlo, si Apostol Pablo sa Acts 16. Itong tatlo, si Jesus Christ, si Peter, at si Paul, hindi magkakontra. Ang sinasabi nila ay nagkakasundo tungkol sa kaligtasan.
Kaya hindi natin puwedeng pag-away-awayin ang mga talata. Ang pananampalataya ay hindi hiwalay sa repentance, water baptism, Holy Spirit baptism, at holy living. Yung repentance ay hindi pagsusumikap ng tao para iligtas ang sarili. Ito ay gawain ng Diyos sa atin. Sabi ng Bible:
"It is God which worketh in you both to will and to do."
At sabi rin, ang kabutihan ng Diyos ang umaakay sa atin sa pagsisisi. Kaya ang lahat ng ito ay response natin sa biyaya ng Diyos sa pamamagitan ng pananampalataya.
Ang Usapan ni Jesus at Nicodemo
Unahin natin ang passage kung saan ang nagsasalita ay si Jesus Christ. Ito yung pag-uusap ni Jesus at ni Nicodemo sa John chapter 3.
Si Nicodemo ay isang Pariseo, pinuno ng mga Hudyo, at guro ng kautusan. Mataas ang estado niya sa lipunan. Lumapit siya sa Panginoon sa gabi at sinabi:
"Rabbi, nalalaman naming ikaw ay isang guro na nagbuhat sa Diyos; sapagkat walang makagagawa ng mga tandang iyong ginagawa, maliban na kung sumasa kanya ang Diyos."
Na-sense agad ng Panginoon kung ano ang kailangan ni Nicodemo. Kaya ang sagot ni Jesus:
"Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa iyo, maliban na ang tao'y ipanganak na muli, ay hindi siya makakakita ng kaharian ng Diyos."
Si Nicodemo, bagamat guro siya sa Israel, parang nanibago sa usapan tungkol sa kingdom of God. Sa isip niya, literal na kapanganakan ang pinag-uusapan. Kaya nagtanong siya:
"Paano maipapanganak ang tao kung siya'y matanda na? Makapapasok baga siyang ikalawa sa tiyan ng kanyang ina, at ipanganak?"
Nilinaw ng Panginoon kung ano ang ibig sabihin ng born again:
"Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa iyo, maliban na ang tao'y ipanganak ng tubig at ng Espiritu, ay hindi siya makapapasok sa kaharian ng Diyos."
So dito malinaw, mga kapatid. Ang born again ay born of water and of the Spirit.
Ang Born Again ay Hindi Basta Pagbabago
May mga nagmi-misinterpret ng salitang born again. Kapag sinabi raw na born again, ibig sabihin ay pagbabago. Wala tayong duda at hindi tayo kumokontra na kapag ikaw ay born again, may pagbabagong magaganap. Pero yung pagbabago hindi iyon ang born again mismo.
Ang born again ay isang karanasan sa Panginoon. Ito ay kapanganakan sa tubig at kapanganakan sa Espiritu. Yung pagbabago ay bunga ng karanasang iyon.
Kaya kung sasabihin natin na born again ay pagbabago lang, lumalabas tayo sa context ng John 3. Ang Panginoon mismo ang nag-define: born of water and of the Spirit.
Ano ang Born of Water?
May iba't ibang interpretation ang iba tungkol sa born of water. May nagsasabi na yung water daw ay tumutukoy sa amniotic fluid kapag ang babae ay nanganganak. May nagsasabi naman na ang tubig daw ay salita ng Diyos. May iba pa na ginagawang purely spiritual ang water.
Pero kung titingnan natin ang context ng John 3, malinaw na yung born of water ay tumutukoy sa water baptism.
Pagkatapos ng pag-uusap ni Jesus at Nicodemo, ganito ang mababasa:
"Pagkatapos ng mga bagay na ito ay nagsiparoon si Jesus at ang kaniyang mga alagad sa lupain ng Judea; at doon siya tumira na kasama nila, at bumabautismo."
At sa verse 23:
"Bumabautismo naman si Juan sa Enon na malapit sa Salim, sapagkat doon ay maraming tubig."
Kung yung born of water ay hindi water baptism, bakit pagkatapos ng conversation kay Nicodemo ay makikita natin agad na si Jesus at ang Kanyang mga alagad ay nagpe-perform ng water baptism? At bakit binigyang-diin na si Juan ay bumabautismo sa lugar na maraming tubig?
Sa , mas nilinaw pa:
"Nabalitaan ng mga Pariseo na si Jesus ay gumagawa at bumabautismo ng lalong maraming alagad kaysa kay Juan, bagaman hindi bumabautismo si Jesus, kundi ang kaniyang mga alagad."
So ang Panginoong Jesus ay nagtuturo tungkol sa water baptism, at ang Kanyang mga alagad ay nagpe-perform nito sa ilalim ng Kanyang authority. Kaya yung born of water sa ay water baptism.
Ano ang Born of the Spirit?
Yung born of the Spirit naman ay tumutukoy sa Holy Spirit baptism.
Bago pa ang usapan ni Jesus at Nicodemo, may sinabi na si John the Baptist tungkol dito:
"Datapuwa't ang dumarating sa hulihan ko ay lalong makapangyarihan kaysa akin... siya ang sa inyo'y magbabautismo sa Espiritu Santo at apoy."
Si Juan ay nagbabautismo sa tubig, pero sinabi niya na si Jesus Christ ang magbabautismo sa Holy Spirit and fire.
Maging si Jesus, pagkatapos Niyang mabuhay na mag-uli, nagsabi sa Kanyang mga alagad:
"Tanggapin ninyo ang Espiritu Santo."
Kung yung born of the Spirit ay hindi Holy Spirit baptism, bakit sinabi ni Cristo sa mga alagad na tanggapin nila ang Espiritu Santo? Kaya malinaw, mga kapatid: born of water ay water baptism, at born of the Spirit ay Holy Spirit baptism.
Luke 24 at Acts 1: Ang Pangako ng Ama
Sa Luke 24, sinabi ng Panginoon na ipangangaral sa Kanyang pangalan ang repentance and remission of sins sa lahat ng bansa, beginning at Jerusalem.
"Repentance and remission of sins should be preached in his name among all nations, beginning at Jerusalem."
Pagkatapos, sinabi Niya:
"I send the promise of my Father upon you: but tarry ye in the city of Jerusalem, until ye be endued with power from on high."
Ano yung promise of the Father? Ano yung power from on high? Sa , nilinaw:
"Ye shall receive power, after that the Holy Ghost is come upon you."
Kaya si Jesus Christ mismo ang nagturo tungkol sa water baptism at Holy Spirit baptism. Bago mangaral ang mga alagad, kailangan muna nilang tumanggap ng kapangyarihan, at ang kapangyarihang iyon ay sa pamamagitan ng Holy Ghost.
Acts 2: Water Baptism at Gift of the Holy Ghost
Tingnan natin kung ang born of water and of the Spirit ba ay itinuro rin ng mga alagad.
Sa Acts 2, pagkatapos ibuhos ang Holy Ghost sa upper room sa Jerusalem, namangha ang mga tao dahil nagsasalita ng iba't ibang wika ang mga alagad. May nagsabing gawa ito ng Diyos. May iba namang nagsabi na lasing lang sila.
Tumayo si Pedro at nangaral tungkol kay Jesus Christ. Ipinakilala niya na si Jesus ay ginawang Panginoon at Cristo. Ibig sabihin, Siya ang Panginoon, yung nag-iisang Diyos, at Siya rin ang Cristo, yung handog para sa kanilang kasalanan. Ang problema, pinatay nila ang kanilang Tagapagligtas. Gayunman, Siya ay nabuhay na mag-uli.
Nang marinig nila ito, nasaktan ang kanilang puso at nagtanong:
"Mga kapatid, anong gagawin namin?"
Ano ang sagot ni Pedro?
"Mangagsisi kayo, at mangagbautismo ang bawat isa sa inyo sa pangalan ni Jesucristo sa ikapagpapatawad ng inyong mga kasalanan; at tatanggapin ninyo ang kaloob ng Espiritu Santo."
Nandiyan na naman, mga kapatid: water baptism and Holy Spirit baptism. Be baptized in the name of Jesus Christ for the remission of sins, and you shall receive the gift of the Holy Ghost.
Acts 8: Ang Samaria
Sa Acts 8, nangaral si Felipe sa Samaria tungkol sa kaharian ng Diyos at sa pangalan ni Jesus Christ.
"Datapuwa't nang magsisampalataya sila kay Felipe na nangangaral ng mabuting balita tungkol sa kaharian ng Diyos at sa pangalan ni Jesucristo, ay nangabautismuhan ang mga lalaki at mga babae."
May water baptism na naman. Nang mabalitaan ng mga apostol sa Jerusalem na tinanggap ng Samaria ang salita ng Diyos, sinugo nila sina Pedro at Juan.
Bakit sila sinugo?
"Na nang sila'y makalusong, ay ipinanalangin nila sila, upang kanilang tanggapin ang Espiritu Santo."
Bakit kailangang ipanalangin?
"Sapagkat ito'y hindi pa bumababa sa kanino man sa kanila; kundi sila'y nangabautismuhan lamang sa pangalan ng Panginoong Jesus."
Kita natin, mga kapatid: nabautismuhan na sila sa pangalan ng Panginoong Jesus, pero hindi pa nila natatanggap ang Holy Ghost. Kaya pumunta sina Pedro at Juan para ipanalangin sila upang tanggapin nila ang Espiritu Santo.
Hindi sapat na water baptism lang. Kailangan din ang Holy Spirit baptism. Yan ang sinabi ni Jesus: born of water and of the Spirit.
Acts 10: Cornelio at ang Kanyang Sambahayan
Sa Acts 10 naman, makikita natin si Cornelio. Siya ay taong matatakutin sa Diyos, mapagbigay, at laging nananalangin. Pero kailangan pa rin niyang marinig mula kay Pedro ang mga salita kung paano siya at ang kanyang sambahayan ay maliligtas.
Sa , sinabi tungkol kay Pedro:
"Siyang magsasaysay sa iyo ng mga salita na ikaliligtas mo, ikaw at ang buong sambahayan mo."
Habang nangangaral si Pedro sa bahay ni Cornelio, ganito ang nangyari:
"Samantalang nagsasalita pa si Pedro ng mga salitang ito, ay bumaba ang Espiritu Santo sa lahat ng mga nakikinig ng salita."
Paano nila nalaman na bumaba ang Holy Ghost?
"Sapagkat narinig nilang nagsasalita ang mga ito ng mga wika, at nangagpupuri sa Diyos."
Pagkatapos, sinabi ni Pedro:
"Mangyayari bagang hadlangan ng sinuman ang tubig, upang huwag mabautismuhan itong mga nagsitanggap ng Espiritu Santo na gaya naman natin?"
At inutusan niya sila:
"At inutusan niya silang mangagbautismo sa pangalan ni Jesucristo."
Dito nauna ang Holy Spirit baptism, pagkatapos water baptism. Walang problema kung alin ang mauna, mga kapatid. Mauna man ang water baptism at mahuli ang Spirit baptism, o mauna ang Spirit baptism at mahuli ang water baptism, ang mahalaga ay nandiyan ang dalawa. Born of water and of the Spirit.
Acts 19: Ang mga Alagad ni Juan
Sa Acts 19, nakatagpo si Pablo ng ilang disciples sa Efeso.
"Tinanggap baga ninyo ang Espiritu Santo nang kayo'y magsisampalataya?"
Sabi nila:
"Hindi, hindi man lamang namin narinig na may ibinigay na Espiritu Santo."
Tinanong sila ni Pablo:
"Kung gayo'y sa ano kayo binautismuhan?"
Sabi nila, sa bautismo ni Juan. Ipinaliwanag ni Pablo na si Juan ay nagbabautismo ng bautismo ng pagsisisi, at sinasabi sa bayan na sila ay sumampalataya sa darating sa hulihan niya, samakatuwid baga'y kay Jesus.
Nang marinig nila ito:
"Sila'y nangabautismuhan sa pangalan ng Panginoong Jesus."
Pagkatapos:
"At nang maipatong na ni Pablo sa kanila ang kaniyang mga kamay, ay bumaba sa kanila ang Espiritu Santo; at sila'y nangagsalita ng mga wika, at nangagpahayag."
Kita na naman natin, mga kapatid. Water baptism in the name of Jesus Christ, then Holy Spirit baptism. Ito ang born again experience.
Isang Karanasan na May Dalawang Bahagi
Linawin natin. Ang born again ay isang karanasan na may dalawang bahagi: water baptism at Holy Spirit baptism.
Kung wala ang isa, hindi pa kumpleto. May nagsasabi, "Nabautismuhan na ako, born again na ako." Pero kung hindi pa natanggap ang Holy Ghost, kulang pa. May tumanggap naman ng Holy Ghost gaya nina Cornelio, pero inutusan pa rin silang magpabautismo sa pangalan ni Jesucristo.
Kaya ang born again ay hindi pagbabago mismo. Ito ay karanasan sa bautismo sa tubig at bautismo sa Espiritu Santo. Kapag naranasan mo iyan, may bunga. Doon makikita ang pagbabago.
Sabi ng Biblia:
"If any man be in Christ, he is a new creature."
At ang Holy Spirit ay may bunga:
"The fruit of the Spirit is love, joy, peace, longsuffering, gentleness, goodness, faith, meekness, temperance."
Kaya may pagbabago pagkatapos. Pero ang born again itself ay karanasan: born of water and of the Spirit.
Ang Kingdom of God
Binanggit ng Panginoon kay Nicodemo ang kingdom of God:
"He cannot see the kingdom of God."
"He cannot enter into the kingdom of God."
Sa Bible, may dalawang aspect ang kingdom of God: spiritual aspect at literal aspect.
Ang spiritual aspect ng kingdom of God ay ang paghahari ng Diyos sa buhay ng tao, the reign of God in the heart of man. Kailan ito nangyayari? Kapag ang tao ay tumanggap ng Holy Spirit.
Sabi ng :
"The kingdom of God is not meat and drink; but righteousness, and peace, and joy in the Holy Ghost."
Ang literal aspect naman, isang araw babalik si Jesus Christ at itatatag Niya ang Kanyang kaharian. Maghahari Siya sa loob ng isang libong taon. Ito ang millennial reign of Jesus Christ.
Spiritual man o literal kingdom, para makita at makapasok ka roon, may requirement:
"Except a man be born again..."
"Except a man be born of water and of the Spirit..."
Kaya kung gusto nating maging kabahagi ng kingdom of God, kailangan nating maranasan ang born again: water baptism and Holy Spirit baptism.
Ano ang Biblical Meaning ng Born Again?
Ulitin natin, mga kapatid. Ang born again ay hindi po pagbabago. Ang born again ay karanasan. Karanasan saan? Sa kapanganakan sa tubig at kapanganakan sa Espiritu.
Ang kapanganakan sa tubig ay water baptism. Pinatunayan natin iyan sa John 3, John 4, Acts 2, Acts 8, Acts 10, at Acts 19. Ang kapanganakan sa Espiritu ay Holy Spirit baptism.
Born again is a single experience consisting of two parts: water baptism and Holy Spirit baptism. Kapag wala ang isa, hindi kumpleto. Praise the Lord.
This article is a summary based on Facebook live bible study.
Scriptures in this article
30 passages: select one to read it in KJV and TGL.
Author and editor | Pastor
Ranny writes and edits biblical articles, doctrinal studies, and Scripture resources from an Apostolic Oneness perspective.
Author profile