OnenessDoctrine
Salvation

Ang Pananampalataya at ang Pagsunod sa Ebanghelyo

Ang pananampalataya ang pinaka pundasyon, mga kapatid. Kapag may tunay na faith, susundin natin ang salita ng Panginoon: magsisi, magpabautismo, at tumanggap ng Espiritu Santo.

Posted Aug 27, 2026

Updated Aug 27, 2026

By Ranny D. Cometa

9 views12 min read

Praise the Lord. Ipinagpapatuloy natin, mga kapatid, yung mga aralin tungkol sa salvation. Ang pinag-uusapan natin dito ay isang napakahalagang sangkap na kinakailangan para ang isang tao ay maligtas, at ito po yung tinatawag na pananampalataya.

Hindi tayo nakapag Bible study physically, kaya online muna tayo mga kapatid. Ganun pa man, dala pa rin natin ang pag-aaral ng salita ng Panginoon. At gaya ng laging sinasabi sa teaching, kung may mga kakilala tayo na kailangan makarinig ng salita ng Diyos, magandang maabot sila sa ganitong pamamaraan. Praise God.

Kumbaga sa building, mga kapatid, ang pananampalataya ang pinaka pundasyon. Sabi nga ng Biblia, kung walang pananampalataya ay hindi maaaring maging kalugod-lugod sa Diyos. Lahat ng ginagawa natin patungkol sa Diyos dapat nakapundasyon sa pananampalataya. Kung walang pananampalataya, yung pagsisisi, yung pagpapabautismo, at yung pagtanggap ng Espiritu Santo ay magiging walang kabuluhan.


Ang Pananampalataya ay Bigay ng Diyos

Napag-usapan natin, mga kapatid, na ang pananampalataya ay hindi natin pino-produce sa ating sarili. Hindi natin ito minamanufacture. Ang Diyos ang nagbigay ng pananampalataya sa atin.

Sabi ng :

"God hath dealt to every man the measure of faith."

Ang Diyos ang naglagay ng sukat ng pananampalataya. Binigyan tayo ng Diyos ng pare-parehong sukat ng pananampalataya. Ngayon, yung pananampalatayang iyon, magagamit natin depende sa atin. Ipagagamit ba natin sa Diyos, o gagamitin natin sa ibang bagay?

Maraming record sa Biblia ng mga tao na ginamit yung pananampalatayang ibinigay ng Diyos sa kanila sa paglilingkod sa Diyos. Pero meron ding iba na ginamit ito sa ibang bagay. Kaya mahalaga na maintindihan natin: bagamat ang tao ay patay spiritually dahil sa kasalanan, nagawa niyang sumampalataya sa Diyos dahil ang Diyos ang nagbigay nito sa kanya.

Ang Kamatayan ni Cristo ang Nagbigay ng Opportunity sa Tao

Yung pagkamatay ni Cristo sa krus, mga kapatid, yun po yung naging opportunity para ang tao ay magkaroon ng pananampalataya. Yun ang grace of God na may dala-dalang kaligtasan.

Sabi ng Biblia:

"For God so loved the world, that he gave his only begotten Son..."

Nung maibigay yung bugtong na Anak, lumabas yung salitang:

"That whosoever believeth in him..."

Doon sa kawalan natin ng kakayahang manampalataya, dahil tayo po ay spiritually dead, binigyan tayo ng Diyos ng kakayahang sumampalataya nang si Cristo ay namatay sa krus ng Kalbaryo.

Kaya nasagot din yung tanong: paano naman yung mga nasa Old Testament? Paano sina Abraham, Isaac, Jacob, Moses, at iba pang Old Testament saints nagkaroon ng pananampalataya kung si Cristo ay namatay physically sa New Testament?

Nilinaw ng Biblia na si Cristo ay hindi lamang namatay mga 2000 years ago. Siya ay itinakda bago pa itatag ang sanlibutan.

"Kundi tinubos tayo sa pamamagitan ng dugo ng kordero... who verily was foreordained before the foundation of the world."

At sa , binabanggit ang Kordero na pinatay buhat nang itatag ang sanlibutan. Kaya maging ang mga tao sa Old Testament ay nabiyayaan na rin ng initial faith dahil ayon sa plano ng Diyos, si Cristo ay pinatay from the foundation of the world.

Walang maidudulot na excuse ang tao. Hindi puwedeng sabihin ng tao, "Kaya hindi ako nanampalataya sa Diyos dahil patay ako spiritually." Nung si Cristo ay namatay sa plano at programa ng Diyos, yun ang nagbigay sa atin ng opportunity at kakayahan para maniwala at sumampalataya sa Diyos.

Faith Cometh by Hearing

Pangalawa, mga kapatid, ang pananampalataya ay nanggagaling sa pakikinig ng salita ng Diyos.

Sabi ng :

"So then faith cometh by hearing, and hearing by the word of God."

Yung faith na ibinigay ng Diyos ay puwedeng lumago. Puwedeng mag-grow iyon. Habang tayo ay nakikinig ng salita ng ating Panginoon, yung pananampalataya na tinanggap natin sa Diyos ay mas lalo siyang naa-activate, at naghahatid ito ng kaligtasan sa atin.

Sa Biblia, marami tayong mababasa na dahil sa pakikinig ng salita ng Diyos, ang mga tao ay nagkaroon ng pananampalataya. At yung pananampalatayang iyon ang nag-udyok sa kanila para mag-response sa Diyos.

Ang Pakikinig sa Salita ay Nagbubunga ng Response

Tingnan natin ang Acts 8. Dito makikita natin na sa pamamagitan ng pakikinig ng salita ng Diyos, nade-develop ang pananampalataya, at nagkakaroon ng response ang tao sa Panginoon.

Sabi sa :

"But when they believed Philip preaching the things concerning the kingdom of God, and the name of Jesus Christ, they were baptized, both men and women."

Nang sila ay sumampalataya kay Felipe na nangangaral ng mabuting balita tungkol sa kaharian ng Diyos at sa pangalan ni Jesus Christ, nagpabautismo ang mga lalaki at mga babae.

Dito makikita natin, mga kapatid, na sa pamamagitan ng pakikinig sa salita ng Diyos, nagkaroon sila ng pananampalataya. At yung pananampalatayang iyon ang nagtulak sa kanila para tumanggap ng kaligtasan. Praise God.

Ang Eunuch at si Felipe

Sa Acts 8 din, makikita natin yung bating na naglalakbay sakay ng karo. May binabasa siyang portion ng Biblia mula kay propeta Isaias, pero hindi niya maintindihan. Nang lapitan siya ni Felipe, tinanong siya:

"Nauunawaan mo baga ang iyong binabasa?"

Ang sagot niya:

"Paano ko magagawa, maliban nang may pumatnubay sa akin?"

Ipinaliwanag ni Felipe sa kanya ang tungkol sa Panginoong Jesus. At habang nagpapatuloy sila sa daan, dumating sila sa dakong may tubig. Sabi ng bating:

"Narito ang tubig; ano ang nakahahadlang upang ako'y mabautismuhan?"

Sabi ni Felipe:

"Kung nananampalataya ka ng buong puso, ay mangyayari."

At sumagot siya:

"Sumasampalataya ako na si Jesucristo ay Anak ng Diyos."

Pagkatapos, lumusong sila sa tubig at siya ay binautismuhan.

Mga kapatid, walang alinlangan na itinuro ni Felipe ang kahalagahan ng water baptism. Dahil nung nakita ng bating ang tubig, siya na mismo ang nagsabi, "Ano ang nakahahadlang upang ako'y mabautismuhan?"

Ganyan ang pananampalataya na nanggagaling sa pakikinig ng salita ng Diyos. Itinutulak ka nitong sundin ang salita ng Panginoon.

Ang Holy Ghost ay Bumaba sa mga Nakikinig

Sa Acts 10, habang nagsasalita pa si Pedro, bumaba ang Espiritu Santo sa lahat ng nakikinig ng salita.

"Samantalang nagsasalita pa si Pedro ng mga salitang ito, ay bumaba ang Espiritu Santo sa lahat ng mga nakikinig."

Paano nila nalaman na ibinuhos ang Espiritu Santo?

"Sapagkat narinig nilang nagsasalita ang mga ito ng mga wika, at nangagpupuri sa Diyos."

Pagkatapos nito, sinabi ni Pedro:

"Mangyayari bagang hadlangan ng sinuman ang tubig, upang huwag mabautismuhan itong mga nagsitanggap ng Espiritu Santo na gaya naman natin?"

At inutusan niya sila na magpabautismo sa pangalan ng Panginoon.

Kita natin, mga kapatid, na ang pakikinig sa salita ng Diyos ay nagdadala ng pananampalataya. At yung pananampalatayang iyon ay naghahatid sa tao sa response: pagtanggap ng Espiritu Santo at pagpapabautismo sa pangalan ng Panginoon.

Ang mga Taga-Corinto ay Sumampalataya at Nabautismuhan

Sa , ganito ang mababasa natin:

"At si Crispo, ang pinuno sa sinagoga, ay nanampalataya sa Panginoon pati ng buong sambahayan niya; at marami sa mga taga-Corinto na sa pakikinig ay nagsisampalataya, at pawang nangabautismuhan."

Mapapansin ninyo, mga kapatid, yung mga taong sumampalataya ay nagpabautismo. Hindi puwedeng sabihin na pananampalataya lang daw at hindi na kailangan ang bautismo.

Hindi tayo kontra sa pananampalataya. Kailangan iyan para maligtas. Pero ang taong sumasampalataya, nagpapabautismo. Ang binabautismuhan ay yung taong nananampalataya.

Hindi Mababa ang Water Baptism

May nagtuturo na ang baptism daw ay hindi required sa salvation, na parang public declaration lang na ikaw ay follower ni Christ. Masyadong mababa yung pagkakaunawa na iyon sa salita ng Panginoon.

Kung tubig lang ang pag-uusapan, hindi talaga nakapaghuhugas ng kasalanan ang tubig. Pero yung bautismo sa tubig sa pangalan ni Jesucristo, kapag nilagyan mo ng pananampalataya, yan po ay nakapaghuhugas ng kasalanan.

Si Cristo mismo ang nagsabi:

"Ang sumasampalataya at mabautismuhan ay maliligtas."

Hindi sinabi na ligtas ka na kaya ka binabautismuhan. May nagtuturo na kaya ka raw binautismuhan ay dahil ligtas ka na. Pero saan nakasulat sa Biblia na kaya ka binautismuhan ay dahil ligtas ka na?

Ang malinaw sa Biblia: ang sumasampalataya at mabautismuhan ay maliligtas. Kaya ang faith at baptism ay hindi magkalaban. Magkasama po iyan.

Kaya kapag may nagtatanong, "Asan ang baptism diyan sa talatang binabasa mo tungkol sa pananampalataya?" ang sagot, hindi tayo kontra sa pananampalataya. Kailangan talaga ang pananampalataya. Pero ang taong sumasampalataya, siya ang nagpapabautismo. At ang binabautismuhan ay yung taong nananampalataya.

Kung puro talata tungkol sa pananampalataya ang babasahin, siyempre faith ang makikita mo. Pero kung babasahin mo rin ang mga talata tungkol sa bautismo, makikita mo na magkasama ang pananampalataya at bautismo sa response ng tao sa ebanghelyo. Praise God.

Ang Pananampalataya ang Mag-uudyok sa Iyo

Ang pananampalataya, mga kapatid, ang mag-uudyok sa iyo para magpabautismo. Bakit? Kasi ang bautismo ay paraan ng Diyos sa pagliligtas.

Ginamit pa nga ni Apostol Pedro ang halimbawa ng baha noong panahon ni Noah bilang kahawig ng pagliligtas ng Diyos ngayon sa pamamagitan ng bautismo.

Sa , sinasabi:

"Na inyong tinatanggap ang layunin ng inyong pananampalataya, ang pagkaligtas ng inyong mga kaluluwa."

Ang end result ng pananampalataya ay kaligtasan ng kaluluwa. Kaya kapag tayo ay nananampalataya, iuudyok tayo nito na gawin ang ipinag-uutos ng Panginoon para maligtas.

Tatlong Components ng Saving Faith

Para magkaroon ng saving faith, mayroong tatlong components na nakapaloob dito.

Una: Knowledge

Una, kailangan ng knowledge. Kailangan ng kaalaman.

Sabi ng :

"Ang aking bayan ay nasira dahil sa kakulangan ng kaalaman."

Bakit kailangan natin ng kaalaman? Kasi kung walang pag-aaral ng salita ng Diyos, hindi tayo magkakaroon ng tamang pananampalataya.

Bakit tayo naniniwala na iisa lang ang tunay na Diyos? Kasi nasa Biblia. Nabasa natin. Nagkaroon tayo ng kaalaman.

At kapag sinabing iisa ang tunay na Diyos, dapat alam din natin kung ano ang ibig sabihin ng iisa. May mga nagtuturo na isang Diyos daw pero tatlong persona. Kapag tinanong mo kung yung Ama ba ay isang Diyos na iba sa Anak at iba sa Espiritu Santo, at yung Anak ay isang Diyos din na iba sa Ama at sa Espiritu Santo, at yung Espiritu Santo ay iba rin, nalilito na sila kung ilan talaga.

Kaya kailangan ang knowledge, mga kapatid. Hindi puwedeng basta may illustration lang. Hindi puwedeng ikumpara ang Diyos sa mag-asawa na dalawa pero isa, kasi si Cristo nang nandito sa lupa ay nagsabi, "Ang nakakita sa akin ay nakakita sa Ama." Sa mag-asawa, hindi puwedeng sabihin ng lalaki, "Ang nakakita sa akin ay nakakita sa asawa ko." Walang ganun. Kaya ang tamang kaalaman ay dapat mula sa Biblia.

Kung walang Bible study, kung walang pakikinig sa salita ng Diyos, hindi tayo magkakaroon ng tamang faith. Sabi nga natin, faith cometh by hearing, and hearing by the Word of God.

Ikalawa: Mental Acceptance

Pangalawa, kailangan din ng pagtanggap. Kailangan tanggapin natin ang salita ng Diyos.

May mga tao na nakakarinig ng Word of God, pero kapag ipinaliwanag mo na ang katotohanan, ayaw tanggapin. Minsan dahil meron na silang preconceived ideas, meron nang naituro ang religion sa kanila na ayaw na nilang baguhin.

Pero kapag hindi mo tinanggap ang salita ng Panginoon, hindi ka magkakaroon ng pananampalatayang magliligtas sa iyo.

Sabi ng :

"Kung ang sinumang tao ay nakikinig sa aking mga pananalita, at hindi ingatan, ay hindi ko siya hinahatulan... Ang nagtatakuwil sa akin, at hindi tumatanggap ng aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kanya: ang salitang aking sinalita ay siyang sa kanya'y hahatol sa huling araw."

Kaya hindi sapat na marinig lang ang salita. Kailangang tanggapin ito.

Ikatlo: Appropriation o Pagsasagawa

Pangatlo, kailangan ng appropriation. Ibig sabihin, pagtalima o pagsasagawa.

Mapalad ang nakikinig, nagbabasa, at tumutupad ng salita. Kung tagapakinig ka lamang pero hindi tumutupad, para kang taong tumingin sa salamin at pagkatapos ay nakalimutan kung ano ang itsura niya.

Sa Biblia, ang salita na ating narinig at naintindihan ay dapat tanggapin. At kapag tinanggap natin, dapat gawin natin. Kapag hindi natin ginawa, hindi tayo totoong nagkaroon ng pananampalataya.

Sa , ipinapakita na ang pananampalataya ay kaugnay ng pagtalima:

"Ang sumasampalataya sa Anak ay may buhay na walang hanggan; datapuwa't ang hindi tumatalima sa Anak ay hindi makakakita ng buhay."

Kaya ang pananampalatayang naghahatid ng kaligtasan ay binubuo ng knowledge, mental acceptance, at appropriation. Kailangan mong malaman ang salita ng Diyos, tanggapin ito, at isagawa ito.

Ang Pundasyon ng Lahat

Mga kapatid, ang pananampalataya ang pinaka pundasyon. Kung walang pananampalataya, balewala ang pagsisisi, balewala ang bautismo, at balewala ang pagtanggap ng Espiritu Santo.

Pero kung meron kang pananampalataya, magiging valid ang pagsisisi mo. Kung meron kang pananampalataya, magiging epektibo ang pagpapabautismo mo. At kung meron kang pananampalataya, sigurado iyan, tatanggap ka ng Banal na Espiritu. Amen.

Ulitin natin: ang pananampalataya ang pinakamahalagang sangkap na kailangan para ang tao ay maligtas. Kapag ikaw ay may pananampalataya, yan ang mag-uudyok sa iyo para gawin ang ipinag-uutos ng Panginoon: magsisi, magpabautismo sa tubig, at tumanggap ng Espiritu Santo.

Ang saving faith ay may knowledge, mental acceptance, and appropriation. Hindi lang ito pakikinig. Hindi lang ito pagsang-ayon sa isip. Ito ay pagsasagawa sa katotohanan na iyong napakinggan.

Praise the Lord.


This article is a summary of a live broadcast on Facebook: watch the original video.

Scriptures in this article

19 passages: select one to read it in KJV and TGL.

Ranny D. Cometa

Author and editor | Pastor

Ranny writes and edits biblical articles, doctrinal studies, and Scripture resources from an Apostolic Oneness perspective.

Author profile

Related Articles