OnenessDoctrine
Jesus Christ

Ang Pananampalatayang Nagliligtas

Ang saving faith ay hindi simpleng paniniwala lang. Ito ay pagkilala kay Jesus Christ bilang Diyos at Tagapagligtas, pananalig sa Kanyang salita, at pagsunod sa Kanyang utos.

Posted Aug 26, 2026

Updated Aug 27, 2026

By Ranny D. Cometa

8 views14 min read

Praise the Lord. Ang pag-aaral na ito, mga kapatid, ay tungkol sa isang napakahalagang sangkap na kinakailangan para ang isang tao ay maligtas: pananampalataya, o yung tinatawag nating saving faith.

Sa , tinanong ng bantay sa bilangguan sina Pablo at Silas:

"Mga ginoo, ano ang kinakailangan kong gawin upang maligtas?"

At ang sagot nila:

"Manampalataya ka sa Panginoong Jesus, at maliligtas ka, ikaw at ang iyong sambahayan."

Maliwanag, mga kapatid, na kailangan ang pananampalataya para sa kaligtasan. Pero ang tanong: ano ba ang ibig sabihin ng pananampalataya ayon sa Biblia?


Ang Pananampalataya ay Mahalaga sa Kaligtasan

Sa , sinasabi ng Biblia:

"For God so loved the world, that he gave his only begotten Son, that whosoever believeth on him should not perish, but have everlasting life."

Sino man daw ang sumampalataya sa Kanya ay hindi mapapahamak kundi magkakaroon ng buhay na walang hanggan. So dito pa lang, makikita natin kung gaano kahalaga ang faith. Ito ang paraan upang matanggap natin ang kaligtasan na ibinigay ng Diyos.

Kagaya rin ng napag-aralan sa , by grace tayo naliligtas through faith. Ang pagliligtas ng Diyos ay biyaya Niya, at matatanggap natin iyon sa pamamagitan ng pananampalataya.

Pero ang salitang pananampalataya, mga kapatid, ay malawak ang kahulugan sa Biblia. Hindi ito simpleng paniniwala lang sa isip. May lalim ito. May kalakip itong pagtitiwala, paninindigan, at pagsunod.

Faith is the Substance of Things Hoped For

Sa , ganito ang definition ng faith:

"Now faith is the substance of things hoped for, the evidence of things not seen."

May dalawang mahalagang bahagi dito. Una, faith is the substance of things hoped for. Ibig sabihin, ang pananampalataya ay nagbibigay ng katiyakan sa mga bagay na hinihintay natin mula sa Diyos.

Halimbawa, si Abraham. Nangako ang Diyos na magkakaroon sila ni Sarah ng anak. Sa natural na kalagayan, parang imposible na iyon dahil matanda na sila. Pero dahil ang nangako ay Diyos, pinanghawakan ni Abraham ang pangako.

"He staggered not at the promise of God through unbelief; but was strong in faith."

Kahit hindi pa niya nakikita, nanampalataya siya. Being fully persuaded siya na ang nangako ay may kakayahang gawin ang Kanyang sinabi. Amen.

Faith is the Evidence of Things Not Seen

Pangalawa, faith is the evidence of things not seen. Hindi mo pa nakikita, pero may ebidensya na sa puso mo dahil nagsalita ang Diyos.

Si Noah ang magandang halimbawa. Sinabihan siya ng Diyos tungkol sa mga bagay na hindi pa nakikita, at dahil sa banal na takot, naghanda siya ng daong para sa ikaliligtas ng kanyang sambahayan.

Hindi pa niya nakikita ang baha, pero naniwala siya sa sinabi ng Diyos. Kaya gumawa siya ng ark. Dito natin nakikita na ang tunay na pananampalataya ay hindi natatapos sa paniniwala. Gumagalaw ito sa pagsunod.

Ang Pananampalataya ay Pagtitiwala sa Kapangyarihan ng Diyos

Isa pang kahulugan ng pananampalataya, mga kapatid, ay pagtitiwala sa Diyos, sa Kanyang kapangyarihan, at sa Kanyang kakayahang gawin ang anumang bagay.

Sa , sinabi ng Panginoong Jesus:

"Magkaroon kayo ng pananampalataya sa Diyos."

At sinabi rin Niya na kung ang isang tao ay mananampalataya at hindi mag-aalinlangan sa kanyang puso, mangyayari ang kanyang sinasabi ayon sa kalooban ng Diyos.

Sa :

"Kung kaya mo! Ang lahat ng mga bagay ay may pangyayari sa kanya na nananampalataya."

So faith is trust. Naniniwala tayo na ang Diyos ay may kapangyarihan. Naniniwala tayo na kaya Niyang gawin ang Kanyang ipinangako. Praise God.

Ang Faith ay Tumutukoy Din sa Doctrine

Sa Biblia, ang salitang faith ay ginagamit din para tukuyin ang aral, doctrine, o turo na ating pinaniniwalaan.

Sa , sinabi ni Pablo:

"Mag-ingat ka sa iyong sarili at sa iyong turo; manatili ka sa mga bagay na ito, sapagkat sa paggawa nito ay ililigtas mo ang iyong sarili at pati ang mga nakikinig sa iyo."

Meron tayong tinatawag na the faith, yung aral na ibinigay sa mga banal. Sa , sinasabi na tayo ay makipaglaban nang masikap para sa pananampalataya na minsang ibinigay sa mga banal.

Ibig sabihin, hindi lang ito pakiramdam. Hindi lang ito personal opinion. Ang pananampalataya ay may katotohanan, may doctrine, may salita ng Diyos na pinanghahawakan.

The Just Shall Live by Faith

Ang pananampalataya ay tumutukoy din sa uri ng pamumuhay at paglilingkod sa Diyos.

"The just shall live by faith."

Ang matuwid ay mamumuhay sa pananampalataya. Hindi ito minsanang paniniwala lang. Ito ay buhay na patuloy na nagtitiwala, sumusunod, at naglilingkod sa Panginoon.

Sa , ang faith ay kasama sa fruit of the Spirit. Sa ganitong gamit, ito ay tumutukoy sa faithfulness, o katapatan. Kaya ang pananampalataya ay nakikita rin sa tapat na pamumuhay sa Diyos.

Ano ang Saving Faith?

Kung pag-uusapan natin ang pananampalatayang nagliligtas, ito po ay pananampalataya sa Diyos at sa Kanyang salita, ang ebanghelyo, na may kalakip na pagsunod.

Sa , sinabi ng Panginoon:

"Magsiyaon kayo sa buong sanlibutan, at inyong ipangaral ang ebanghelyo sa lahat ng kinapal. Ang sumasampalataya at mabautismuhan ay maliligtas; datapuwa't ang hindi sumasampalataya ay parurusahan."

Makikita natin dito, mga kapatid, na ang pananampalataya sa Diyos at sa Kanyang salita ay kailangan para maligtas. Pero yung pananampalatayang ito ay may pagsunod. Ang sumasampalataya at mabautismuhan ay maliligtas.

Kaya ang saving faith ay hindi lang "naniniwala ako." Ang saving faith ay pagkilala kay Jesus Christ bilang ating Diyos at Tagapagligtas, paniniwala sa Kanyang salita, at pagsunod sa Kanyang ipinag-uutos.

Kilalanin si Jesus Bilang Diyos at Tagapagligtas

Bahagi ng saving faith ang pagkilala kay Jesus Christ bilang Diyos na ating Tagapagligtas.

"Na hintayin yaong mapalad na pag-asa at ang pagpapakita ng kaluwalhatian ng ating dakilang Diyos at Tagapagligtas na si Jesucristo."

Walang ibang pangalan na ibinigay sa silong ng langit na sukat nating ikaligtas. Si Jesus Christ ang ating Diyos at Tagapagligtas. Ito ang dapat kilalanin at sampalatayanan ng tao.

Sa , nang makita ni Thomas ang Panginoon, sinabi niya:

"Panginoon ko at Diyos ko."

Hindi iyon simpleng gulat lang, mga kapatid. Sinabi ng Panginoon na dahil nakita siya ni Thomas, siya ay nanampalataya. Ibig sabihin, ang pagkilala kay Jesus bilang Panginoon at Diyos ay bahagi ng tunay na pananampalataya.

Marami pang talata sa Biblia na nagpapakita na si Jesus Christ ay Diyos. Sa , sinasabi:

"In the beginning was the Word, and the Word was with God, and the Word was God."

Sino yung Word na tinutukoy? Si Jesus Christ. At ang sabi ng Biblia, the Word was God. Sa , sinasabi rin na si Jesus Christ ang tunay na Diyos at buhay na walang hanggan. Sa , tungkol sa Anak ang sabi:

"Ang iyong luklukan, O Diyos, ay magpakailanman."

Kaya mga kapatid, ang saving faith ay kinapapalooban ng pagkilala kay Jesus Christ bilang Diyos na nahayag sa laman, at bilang ating Tagapagligtas. Hindi natin tinatanggi na si Cristo ay tao, dahil Siya ay Diyos na nagkatawang tao. Pero hindi rin natin puwedeng tanggihan ang Kanyang pagka-Diyos.

Faith Means Believing His Word and Obeying It

Hindi puwedeng sabihin ng tao na nananampalataya siya sa Panginoon pero ayaw niyang sundin ang Kanyang salita.

Sa , makikita natin na ang pananampalataya ay konektado sa pagtalima:

"Ang sumasampalataya sa Anak ay may buhay na walang hanggan; datapuwa't ang hindi tumatalima sa Anak ay hindi makakakita ng buhay."

Sa , sinabi rin:

"But they have not all obeyed the gospel."

Bakit sinabi ni Pablo na hindi sila sumunod? Dahil hindi sila naniwala sa ipinangaral. So sa Biblia, ang faith at obedience ay magkasama. Ang tunay na pananampalataya ay pinatutunayan ng pagsunod.

Kaya sinabi ng Panginoon sa :

"Bakit tinatawag ninyo ako, Panginoon, Panginoon, at hindi ninyo ginagawa ang mga bagay na aking sinasabi?"

Kung tinatawag natin Siyang Panginoon, dapat nating sundin ang Kanyang salita. Amen.

Sabi rin ng , ang nakikinig sa mga sinugo ng Panginoon ay sa Kanya nakikinig, at ang nagtatakwil sa kanila ay Siya ang itinatakwil. Kaya kapag tinanggihan natin ang salita ng Panginoon na ipinangaral ng Kanyang mga apostol, hindi maliit na bagay iyon.

Sa , makikita natin kung gaano kabigat ang hindi pagkilala sa Diyos at hindi pagsunod sa ebanghelyo. Sa pagbabalik ng Panginoon, maghihiganti Siya sa mga hindi nakakakilala sa Diyos at sa mga hindi tumatalima sa gospel ng ating Panginoong Jesus Christ.

Kaya hindi puwedeng sabihin, "Nananampalataya ako," pero ayaw naman sundin ang ipinag-uutos ni Cristo. Ang tunay na pananampalataya ay may pagtalima.

Saan Nanggagaling ang Pananampalataya?

Mahalaga rin ang tanong na ito: paano ba tayo magkakaroon ng pananampalataya?

Sa Biblia, ang pananampalataya ay bigay ng Diyos. Hindi natin kayang mag-manufacture ng sarili nating faith, lalo na sa kalagayan ng tao na patay spiritually dahil sa kasalanan.

"Ayon sa sukat ng pananampalataya na ibinigay ng Diyos sa bawat isa."

Ang Diyos ang nagbibigay ng initial measure of faith. Nag-iwan din Siya ng maliwanag na saksi tungkol sa Kanyang sarili sa mga bagay na Kanyang nilikha.

"Ang mga bagay niyang hindi nakikita buhat pa nang lalangin ang sanlibutan ay nakikitang maliwanag... upang sila ay walang madahilan."

Ibig sabihin, ang Diyos ay nagpapakilala. Hindi Niya iniwan ang tao na walang saksi. May ibinigay Siyang pagkakataon para ang tao ay manampalataya sa Kanya.

Kaya mag-ingat tayo sa aral na hanggang ngayon ay parang mystery pa rin daw ang Diyos at hindi Siya makikilala. Ang Diyos mismo ang nagpapakilala. Sabi ng Biblia, makikilala ng Kanyang bayan ang Kanyang pangalan. Nag-iwan ang Diyos ng maliwanag na saksi tungkol sa Kanyang walang hanggang kapangyarihan at pagka-Diyos upang ang tao ay walang maidahilan.

Grace Comes Before Faith

Ang tao, sa kanyang sariling kalagayan, ay makasalanan at spiritually dead. Sabi ng , walang matuwid at walang humahanap sa Diyos. Sabi rin ng , walang makalalapit kay Jesus maliban na dalhin siya ng Ama.

Kaya paano nagkaroon ng chance ang tao na manampalataya? Dahil sa biyaya ng Diyos.

"Sapagkat napakita ang biyaya ng Diyos na may dalang kaligtasan sa lahat ng mga tao."

Nauna ang grace bago ang faith. Ang biyaya ng Diyos ay nahayag nang si Cristo ay namatay sa krus para sa kasalanan ng tao. Dahil sa kamatayan ni Cristo, nagkaroon tayo ng pagkakataon na manampalataya at lumapit sa Diyos.

Sa , makikita ang dalawang bahagi: ang pag-ibig ng Diyos at ang pananampalataya ng tao.

"For God so loved the world, that he gave his only begotten Son, that whosoever believeth in him..."

Nauna ang pag-ibig ng Diyos. Nauna ang pagbibigay ng Anak. Pagkatapos, may "whosoever believeth." Praise God.

Paano ang mga Old Testament Saints?

May tanong dito, mga kapatid. Kung ang kamatayan ni Cristo sa krus ang nagbigay ng chance para ang tao ay manampalataya, paano naman sina Abraham, Moses, Noah, at ibang Old Testament saints? Wala pa si Cristo physically sa New Testament noong panahon nila.

Ang sagot ng Biblia: si Cristo ay nasa plano na ng Diyos bago pa itinatag ang sanlibutan.

"Kundi ng mahalagang dugo, gaya ng sa korderong walang kapintasan at walang dungis, samakatuwid baga'y ang dugo ni Cristo: na nakilala nga ng una bago itinatag ang sanlibutan."

Si Cristo ay foreordained before the foundation of the world. Sa plano at kaisipan ng Diyos, ang pagtubos ay naroon na bago pa magkasala ang tao. Kaya maging ang mga nasa Old Testament ay nasakop ng biyaya ng Diyos sa pamamagitan ng plano ng pagtubos kay Cristo.

Kaya hindi nabigla ang Diyos nang magkasala ang tao. Sa Kanyang foreknowledge, nakita Niya ito, at bago pa itinatag ang sanlibutan, nasa plano na ang Kordero. Amen.

Mahalagang malinaw dito, mga kapatid: iba ang foreknowledge sa foreordination. Hindi itinalaga ng Diyos na magkasala ang tao, pero nakita Niya sa Kanyang foreknowledge na magkakasala ang tao. At bago pa itatag ang sanlibutan, nasa plano na ng Diyos ang pagtubos kay Cristo. Hindi nalito ang Diyos. Hindi Siya nabigla. May solusyon na Siya sa Kanyang plano.

Faith Must Be Developed

Bagamat ang Diyos ang nagbibigay ng initial measure of faith, nasa tao kung gagamitin niya iyon para kilalanin at paglingkuran ang Diyos, o gagamitin niya sa ibang bagay.

Sa Romans 1, may mga taong pinalitan ang katotohanan ng Diyos ng kasinungalingan at naglingkod sa nilalang kaysa sa Lumalang. Sa Hebrews 11 naman, makikita ang mga taong ginamit ang kanilang pananampalataya sa paglilingkod sa Diyos.

Kaya ang faith na ibinigay ng Diyos ay dapat ma-develop.

"Faith cometh by hearing, and hearing by the word of God."

Habang naririnig natin ang Word of God, nade-develop ang pananampalataya. Kaya may little faith, at may great faith. Hindi dahil iba ang initial measure na ibinigay ng Diyos, kundi dahil ang faith ay lumalago habang tayo ay nakikinig, naniniwala, at sumusunod sa salita ng Panginoon.

May nagtuturo na ang Diyos daw ang pumipili kung sino ang ililigtas at kung sino ang hindi, na kahit anong gawin mo kung hindi ka napiling maligtas ay hindi ka maliligtas. Pero kapag ganoon ang prinsipyo, parang inalisan na natin ang tao ng pagkakataong tumugon sa Diyos.

Ang sabi ng Biblia, "Ang sumasampalataya at mabautismuhan ay maliligtas." May kondisyon. Hindi ang Diyos ang namimili ng tao na ililigtas at hindi ililigtas. Ang Diyos ang nagbibigay ng kondisyon kung paano maliligtas ang tao. Nasa tao kung tutugon siya sa biyaya at pananampalatayang ibinigay ng Diyos.

Kung ang basehan ay ang awa at habag ng Diyos, gugustuhin Niyang maligtas ang lahat. Kung meron lang Siyang pipiliing iligtas at meron Siyang hindi ililigtas, lalabas na nagtatangi ang Diyos ng tao. Hindi po ganun. Ang malinaw sa Biblia: ang maliligtas ay ang sumasampalataya at sumusunod sa ebanghelyo.

Walang Kaligtasan sa Faith na Walang Pagsunod

Mga kapatid, lahat ginawa na ng Panginoon. Ang biyaya ay naibigay na. Si Cristo ay namatay na para sa kasalanan. Ang tanong ngayon ay kung paano natin tatanggapin ang biyaya na iyon.

Natanggap natin ito sa pamamagitan ng pananampalataya. Pero ang pananampalatayang iyon ay kailangang magbunga ng pagsunod.

Sa bawat panahon sa Biblia, kapag may iniutos ang Diyos sa mga taong nananampalataya, sinusunod nila ito bilang patunay ng kanilang faith. Si Noah ay gumawa ng ark. Si Abraham ay sumunod sa utos ng Diyos. Si Lot ay umalis sa Sodoma. Si Moses at ang Israel ay nagpahid ng dugo sa doorpost.

Sa New Testament, may utos din ang Panginoon. Ipagangaral ang ebanghelyo. Ang sumasampalataya at mabautismuhan ay maliligtas.

Tingnan din natin yung bantay sa kulungan sa Filipos. Tinanong niya, "Ano ang kinakailangan kong gawin upang maligtas?" Ang sagot nina Pablo at Silas, "Manampalataya ka sa Panginoong Jesus." Pero pagkatapos noon, pinangaralan siya ng salita ng Panginoon, at bilang patunay ng pananampalataya, siya at ang kanyang sambahayan ay nabautismuhan.

Kaya sa bawat panahon, mga kapatid, kapag may iniutos ang Diyos, ang tunay na nananampalataya ay sumusunod. Sa Old Testament makikita iyan. Sa New Testament ganoon din. Hindi sapat ang paniniwalang walang pagtalima.

Kaya kung sinasabi ng tao na gusto niyang maligtas pero ayaw niyang sumunod sa utos ng Panginoon, malaking problema iyon. Sabi nga ni Jesus: bakit ninyo Ako tinatawag na Panginoon, Panginoon, pero hindi ninyo ginagawa ang Aking sinasabi?

Ang Pananampalatayang Nagliligtas

So ano ang saving faith?

Ang saving faith ay pananampalataya sa Diyos at sa Kanyang salita. Ito ay pagkilala kay Jesus Christ bilang ating Diyos at Tagapagligtas. Ito ay paniniwala sa Kanyang salita na may kalakip na pagsunod.

Manampalataya ka sa Panginoong Jesus, at maliligtas ka. Pero ang tunay na pananampalataya, mga kapatid, ay hindi hiwalay sa pagsunod. Ang tunay na pananampalataya ay sumusunod sa salita at utos ng Panginoon. Amen. Praise the Lord.


This article is a summary of a live broadcast on Facebook: watch the original video.

Scriptures in this article

30 passages: select one to read it in KJV and TGL.

Ranny D. Cometa

Author and editor | Pastor

Ranny writes and edits biblical articles, doctrinal studies, and Scripture resources from an Apostolic Oneness perspective.

Author profile

Related Articles