OnenessDoctrine
Church History

Ang Biblia (Salita ng Dios) Part 2

Ipinapakita ng bahaging ito ang mga patunay sa katotohanan ng Biblia mula sa siyensiya, medisina, kasaysayan, arkeolohiya, at mga hulang naganap, kasama ang kahalagahan ng pagbabasa at pagsunod sa Salita ng Dios.

Posted Aug 21, 2026

By Ranny D. Cometa

2 views11 min read

Taong 1609 ng maimbento ni Galileo Galilei ang teleskopyo. Sa pamamagitan nito ay nalaman ng mga tao na di-kayang bilangin ang mga nakakalat na bituin sa kalawakan. Sa pagtaya ng mga Astronomer mahigit 100 bilyon ang bituin sa galaxy pa lang natin (Milky way). Di man alam ang kalkulasyong ito ng Siyensiya, si Jeremias, sa pamamagitan ng inspirasyon ng Dios ay nagpahayag ng kahalintulad na konklusyon.

Kung paanong ang lahat na natatanaw sa langit ay hindi mabibilang, o matatakalan man ang buhangin sa dagat; gayon ko pararamihin ang binhi ni David na aking lingkod, at ang mga Levita na nagsisipangasiwa sa akin.

Medisina

Ang panggagamot sa pamamagitan ng "Bleeding" o pagpapatagas ng dugo (paghiwa ng ugat at hinahayaang umagos ang dugo) sa isang pasyente na pinaniniwalaan ng mga sinaunang manggagamot sa panahon ng ika 18 siglo ay napatunayang mapanganib ayon sa pag-aaral sa Anatomiya at Medisina. Si George Washington ay namatay dahil sa "bleeding" na isinagawa ng isang doktor para gamutin ang kaniyang sipon. Ngayon ay mapapatunayan natin na sa pamamagitan ng pagsasalin ng dugo, hindi ng pagpapatagas nito, ay naliligtas ang buhay ng isang pasyente. Ilang buhay kaya ang maaaring naligtas kung maingat na nabasa ng mga sinaunang manggagamot ang sinulat ni Moises?

Sapagka't ang buhay ng laman ay nasa dugo; at aking ibinigay sa inyo sa ibabaw ng dambana upang itubos sa inyong mga kaluluwa: sapagka't ang dugo'y siyang tumutubos dahil sa buhay.

Kasaysayan

Sinasabi ng mga Kritiko na ang paglikha at ang baha sa panahon ni Noe ay isang alamat lamang. Gayunpaman, ang mga mananalaysay ay nakatuklas ng kahalintulad na mga tradisyon ng baha sa kasaysayan ng bawat kilalang kabihasnan o civilization sa daigdig. Bawat tradisyon ay nagsasalarawan ng isang pandaigdigang pagkawasak ng sangkatauhan sa pamamagitan ng tubig. Ang Bangkang inilaan ay isang kaparaanan para sa pagtakas, at halos sa bawat salaysay, ang kasamaan ng tao ang itinuturing na dahilan ng parusang baha. Ang ibig sabihin nito ay: lahat ng naturang salaysay ay nagmula sa iisang bantog na pinanggagalingan - ang aktuwal na Baha sa Genesis.

Arkeolohiya

Ur ng Caldeo - ang tirahang bayan ni Abraham ay natuklasan sa Timog na bahagi ng Mesopotamia, mga 140 milya timog silangan ng dating kinalalagyan ng Babilonia at mga 150 milya hilagang kanluran ng Persian Gulf (The Thompson Chain Reference Bible, Archeological Supplement, Page 1796).

Ang talaan ng sinaunang Roma tungkol sa Regular na pagpapatala ng buwis at ang sensus na ginagawa sa bawat ika 14 na taon ay natuklasan din ng mga Arkeologo (John Elder, Prophets, Idols & Diggers, Page 159-160; Archeology & Bible History, page 285). Basahin din ang .

Balumbon sa patay na Dagat

Ang natuklasang mga pergamino o balumbon sa mga kuwebang malapit sa patay na dagat (Dead Sea) ng dalawang Bedouin Shepherd noong 1947 ay naging malaking kayamanan sa kasaysayan ng Arkeolohiya. Tinatayang ang mga balumbong ito ay nagkakaedad ng halos 1,900 taon.

Pinaniniwalaang ito'y kinopya ng mga Essenes, isang sekta ng mga Judio na nagtago at nanirahan dito bago at sa panahon ni Cristo. Pinaniniwalaan na noong 70 A.D., ng ang mga Judio ay usigin ng mga Romano, ang mga miyembrong ito ng essenes ay tumakas at naiwan ang napakahalagang mga kasulatang ito sa mga kuweba ng Qumran at nanatili dito mga 1,900 taon na ang nakalilipas (Ralph Earle, How We Got Our Bible, Page 48-49).

Mga naganap at kasalukuyang nagaganap na mga hula sa Biblia

Ang pinaka-matibay na katunayang ang Biblia ay totoo at dapat paniwalaan.

Kagutom, salot at mga lindol - ;

Sapagka't magsisitindig ang bansa laban sa bansa, at ang kaharian laban sa kaharian; at magkakagutom at lilindol sa iba't ibang dako.

At magkakaroon ng malalakas na lindol, at sa iba't ibang dako ay magkakagutom at magkakasalot; at magkakaroon ng mga bagay na kakilakilabot, at ng mga dakilang tanda mula sa langit.

Digmaan at mga alingawngaw ng digmaan - ;

At mangakakarinig kayo ng mga digmaan at mga alingawngaw ng mga digmaan; ingatan ninyo na huwag kayong magulumihanan: sapagka't kinakailangang ito'y mangyari datapuwa't hindi pa ang wakas.

Imoralidad - ;

Sapagka't ang mga tao'y magiging maibigin sa kanilang sarili, maibigin sa salapi, mayayabang, mga mapagmalaki, mapagtungayaw, masuwayin sa mga magulang, mga walang turing, mga walang kabanalan, 3 Walang katutubong pagibig, mga walang paglulubag, mga pala-bintangan, mga walang pagpipigil sa sarili, mga mababangis, hindi mga maibigin sa mabuti, 4 Mga lilo, mga matitigas ang ulo, mga palalo, mga maibigin sa kalayawan kay sa mga maibigin sa Dios;

Mga Bulaang Cristo at mga propeta - ,

Sapagka't marami ang magsisiparito sa aking pangalan, na mangagsasabi, Ako ang Cristo; at ililigaw ang marami.

Paglitaw ng mga aral ng Demonyo - ,

Nguni't hayag na sinasabi ng Espiritu, na sa mga huling panahon ang iba'y magsisitalikod sa pananampalataya, at mangakikinig sa mga espiritung mapanghikayat at sa mga aral ng mga demonio, ... 3 Na ipinagbabawal ang pag-aasawa, at ipinag-uutos na lumayo sa mga lamangkati, na nilalang ng Dios upang tanggapin na may pagpapasalamat ng mga nagsisisampalataya at nangakakaalam ng katotohanan.

Muling pagkakaipon ng Israel - ; ;

At sabihin mo sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Narito, aking kukunin ang mga anak ni Israel mula sa gitna ng mga bansa, na kanilang pinaroonan, at pipisanin ko sila sa lahat ng dako, at dadalhin ko sila sa kanilang sariling lupain:

Taong 1917 - ang Balfour declaration ay nilagdaan ng Pamahalaang Britanya na nagbibigay kalayaan sa mga Judio upang bumalik sa Palestina at muling itatag ang Israel bilang isang hiwalay na Bansa. Sa mga panahon ng 1920's at 1930's libo-libong bilang ng mga Judio ang lumipat sa Palestina. Buwan ng Mayo 1948, ang paglikha sa Israel bilang isang hiwalay na Bansa ay ipinahayag, na may opisyal na pagkilala ng Estados Unidos at iba pang mayoryang mga Bansa.

Tatakan ng 666 -

At ang lahat, maliliit at malalaki, at mayayaman at mga dukha, at ang mga laya at ang mga alipin ay pinabigyan ng isang tanda sa kanilang kanang kamay, o sa noo; 17 At nang huwag makabili o makapagbili ang sinoman, kundi siyang mayroong tanda, sa makatuwid ay ng pangalan ng hayop o bilang ng kaniyang pangalan. 18 Dito'y may karunungan. Ang may pagkaunawa ay bilangin ang bilang ng hayop; sapagka't siyang bilang ng isang tao: at ang kaniyang bilang ay Anim na raan at anim na pu't anim.

Turismo at paglago ng kaalaman

Nguni't ikaw, Oh Daniel, isara mo ang mga salita, at tatakan mo ang aklat, hanggang sa panahon ng kawakasan: marami ang tatakbo ng paroo't parito, at ang kaalaman ay lalago.

Ang iba sa mga hula ng Biblia ay nangyari na, at ang iba ay kasalukuyang nangyayari, at ang iba naman ay mangyayari pa lamang. (Basahin ang aklat ng Pahayag at alamin kung anu-ano pa ang mga mangyayari sa hinaharap).

IX - Ilan sa mga kadahilanan kung bakit naisulat ang Biblia

  • Upang ating malaman na ang sumasampalataya sa Panginoong Jesucristo ay may buhay na walang hanggan

Ang mga bagay na ito ay isinulat ko sa inyo, upang inyong maalaman na kayo'y mayroong buhay na walang hanggan, sa makatuwid ay sa inyong nananampalataya sa pangalan ng Anak ng Dios.

  • Upang tayo'y magsisampalataya na si Jesus ay ang Cristo, Ang anak ng Dios (Dios na nagkatawang tao)

Nguni't ang mga ito ay nangasulat, upang kayo'y magsisampalataya na si Jesus ay ang Cristo, ang Anak ng Dios; at sa inyong pagsampalataya ay magkaroon kayo ng buhay sa kaniyang pangalan.

BSP Biblia Walang alinlangan na dakila ang hiwaga ng kabanalan; Ang Dios ay nagkatawang tao, Pinatotohanan ng espiritu, Nakita ng mga anghel, Ipinangaral sa mga bansa, pinaniwalaan sa sanglibutan at iniakyat sa kaluwalhatian. Basahin din ang

  • Upang magbigay paalaala sa atin - Ang mga bagay na ito nga'y nangyari sa kanila na pinakahalimbawa; at pawang nangasulat sa pagpapaalaala sa atin, na mga dinatnan ng katapusan ng mga panahon.

  • Upang magkaroon ng espiritwal na pagkain ang ating kaluluwa - Datapuwa't siya'y sumagot, at sinabi, Nasusulat, Hindi sa tinapay lamang mabubuhay ang tao, kundi sa bawa't salitang lumalabas sa bibig ng Dios.

X - Mga Benepisyo sa pagbabasa at pag-aaral ng Biblia

Ilan sa mga benepisyong matatanggap sa pagbabasa ng Salita ng Dios at pagtupad nito ay mababasa sa mga sumusunod na talata:

  • Kaligtasan -

  • Maginhawang lakad at tagumpay -

  • Buhay na walang hanggan -

  • Kapayapaan -

  • Tanglaw sa ating buhay -

Sa kabuoan, masasabi natin na walang maikukumpara sa naisulat na salita ng Dios na makapagtuturo sa atin ng daan ng kaligtasan at pamumuhay ng may katuwiran. Sa pamamagitan ng pagbabasa at pagtupad sa Salita ng Dios, tayo ay lumalago sa tungkuling nais Niyang ipagawa sa atin.

Sa madaling salita, ibinigay ng Dios ang Kaniyang Salita sa atin upang tayo'y maligtas at mamuhay ng matuwid ayon sa Kaniyang kalooban ().

XI - Ang pagdaragdag at pagbabawas sa Salita ng Dios ay mahigpit na ipinagbabawal ayon sa sumusunod na mga talata (Basahin at unawain ang mga ito).

kaw. 30:6 Huwag kang magdagdag sa kaniyang mga salita, baka kaniyang sawayin ka, at masumpungan kang sinungaling.

XII - Sapat na bang batayan ang Biblia upang makilala ang tunay na Dios at malaman ang paraan ng kaligtasan?

Opo!!! Ang Biblia ay sapat ng batayan upang ating makilala kung sino ang tunay na Dios at malaman ang mga bagay na kinakailangang gawin para matanggap natin ang kaligtasan at ang buhay na walang hanggan.

Saliksikin ninyo ang mga kasulatan, sapagka't iniisip ninyo na sa mga yaon ay mayroon kayong buhay na walang hanggan; at ang mga ito'y siyang nangagpapatotoo tungkol sa akin.

Nguni't ang mga ito ay nangasulat, upang kayo'y magsisampalataya na si Jesus ay ang Cristo, ang Anak ng Dios; at sa inyong pagsampalataya ay magkaroon kayo ng buhay sa kaniyang pangalan.

Inyong saliksikin sa aklat ng Panginoon, at inyong basahin: kahit isa sa mga ito ay hindi magkukulang, walang mangangailangan ng kaniyang kasama; sapagka't iniutos ng aking bibig, at pinisan sila ng kaniyang Espiritu.

Totoo na maraming ginawa si Jesus na hindi naisulat sa Biblia () dahil kung ang naisulat na salita ni Cristo ay hindi na kayang paniwalaan at tanggapin ng ibang mga tao ( - "hindi magkasiya sa inyo") paano pa kaya kung susulatin lahat ng ginawa Niya? () lalong hindi nila ito kayang paniniwalaan at matatanggap.

XIII - Ilan sa mga mahahalagang impormasyon tungkol sa Biblia:

Ang Biblia ay binubuo ng dalawang tipan: Ang Matandang Tipan at ang Bagong Tipan.

Ang Matandang Tipan ay binubuo ng 39 na mga aklat, sinulat ito ng 32 katao at naglalaman ito ng kasunduan ng Dios sa tao tungkol sa kaligtasan, bago dumating si Cristo.

Ang Bagong Tipan naman ay binubuo ng 27 mga aklat, sinulat ito ng 8 katao at naglalaman din ito ng kasunduan ng Dios sa tao tungkol sa kaligtasan pagkatapos dumating ni Cristo.

Sa Kabuoan ang Biblia ay may 66 na mga aklat. Sinulat ito sa loob ng halos 1,600 taon, ng 40 katao mula sa iba't-ibang dako, sa iba't-ibang panahon at sa magkakaibang lakad sa buhay, subalit ang mga doktrina o katuruang nakasulat dito ay hindi nagkakasalungatan sapagka't iisa lang ang may akda nito - ang nag-iisang Dios mismo.

Na maalaman muna ito, na alin mang hula ng kasulatan ay hindi nagbuhat sa sariling pagpapaliwanag. 21 Sapagka't hindi sa kalooban ng tao dumating ang hula kailanman: kundi ang mga tao ay nagsalita buhat sa Dios, na nanga-udyokan ng Espiritu Santo.

Pagtatapos:

Ang Biblia ay Salita ng Dios na dapat nating basahin (), saliksikin (), pagbulay-bulayan () at isakatuparan (; ).

Katulad ni Job, kinakailangang pagyamanin natin ang mga Salita ng Dios ng higit kaysa kinakailangan nating pagkain.

Ako'y hindi humiwalay sa utos ng kaniyang mga labi; aking pinagyaman ang mga salita ng kaniyang bibig ng higit kay sa aking kailangang pagkain.

Ang pagtrato natin sa Salita ng Dios ay isa sa magiging batayan ng Kaniyang paghatol sa atin sa huling araw (), Kaya't upang ang Salita ng Dios ay maging kapaki-pakinabang sa atin, basahin at ipamuhay natin ang mga aral na nakapaloob dito, sapagka't tulad sa isang kasangkapan, ang Biblia ay magiging mabisa lamang kung ito'y ating ginagamit.

Sino ang lalong mapalad?

Datapuwa't sinabi niya, Oo, bagkus na lalong mapapalad ang nangakikinig ng salita ng Dios, at ito'y ginaganap.

Scriptures in this article

47 passages: select one to read it in KJV and TGL.

Ranny D. Cometa

Author and editor | Pastor

Ranny writes and edits biblical articles, doctrinal studies, and Scripture resources from an Apostolic Oneness perspective.

Author profile

Related Articles