OnenessDoctrine
The One True God

Ang Hebreong Salitang Echad: Patunay ba ng Plurality ng Dios o Trinity?

Ang salitang Hebreo na Echad ay nangangahulugan ba ng isang Dios na "nagkakaisa," o tunay na iisa sa bilang? Suriin natin ang paggamit ng Echad sa Kasulatan at kung ano ang itinuturo ng Biblia tungkol sa pagiging iisa ng Dios.

Posted Aug 17, 2026

Updated Aug 17, 2026

By Ranny D. Cometa

5 views7 min read

Ang Biblia ay maliwanag na nagtuturo na ang tunay na Dios ay isa o iisa.

(Tagalog AB)
Dinggin mo, Oh Israel: ang Panginoon nating Dios ay isang Panginoon:

(Tagalog AB)
At iyong iibigin ang Panginoon mong Dios ng iyong buong puso, at ng iyong buong kaluluwa, at ng iyong buong lakas.

(Tagalog AB)
At ito ang buhay na walang hanggan, na ikaw ay makilala nila na iisang Dios na tunay, at siyang iyong sinugo, sa makatuwid baga'y si Jesucristo.

Subalit ang salitang "isa" ay binibigyang-kahulugan ng mga Trinitarian na kapag ito ay ginagamit patungkol sa Dios, nangangahulugan daw ito ng "pagkakaisa" o unity sa halip na "ganap na iisa sa bilang."

Ayon sa kanila, ito raw ay dahil ang ginamit na Hebreong salita para sa "isa" ay Echad, na siyang ginamit ng Biblia upang ihayag ang pananaw tungkol sa iisang Dios.

Ang Hebreong Salitang Echad

Ang Echad, ayon sa Strong's Dictionary of the Bible, ay nangangahulugang "united," "one," at "first."

Sa mga Trinitarian, pinili nilang gamitin ang kahulugang "united" o "nagkakaisa" upang tumugma sa paniniwala nila na tatlo ang persona ng pagka-Dios.

Pero base sa pakahulugan ng salita, maliwanag na maaari itong mangahulugan ng "pagkakaisa" o "isa sa bilang." Nakadepende ngayon sa paniniwala sa Dios ng isang tao kung aling kahulugan ang kaniyang gagamitin sa salitang Echad.

Pero sa Biblia, ano ang angkop na pakahulugan ng salitang Echad, o one sa English? Ito ba ay "nagkakaisa" o "ganap na isa sa bilang"?

Tingnan natin ang mga talatang nagbabanggit ng salitang Echad at pag-isipan natin kung alin ang akmang pakahulugan sa nasabing salita.

1. Ang mga Hari sa Canaan ay Tinawag na "One" (Echad)

Narito ang listahan ng mga hari sa Canaan na ang bawat isa ay tinukoy sa pamamagitan ng salitang Echad o one:

9 The king of Jericho, one; the king of Ai, which is beside Bethel, one;

10 The king of Jerusalem, one; the king of Hebron, one;

11 The king of Jarmuth, one; the king of Lachish, one;

12 The king of Eglon, one; the king of Gezer, one;

13 The king of Debir, one; the king of Geder, one;

14 The king of Hormah, one; the king of Arad, one;

15 The king of Libnah, one; the king of Adullam, one;

Joshua 12:9-15 KJV

Ituloy na lamang po hanggang sa mga talatang 16–24.

Dito makikita natin na ang paggamit ng salitang "one" o Echad ay maliwanag na tumutukoy sa iisa sa bilang at hindi sa "nagkakaisa."

2. Si Abraham ay Tinawag na "One" (Echad)

(KJV)
Son of man, they that inhabit those wastes of the land of Israel speak, saying, Abraham was one (Echad), and he inherited the land: but we are many; the land is given us for inheritance.

Si Abraham ba ay "nagkakaisa" o iisa sa bilang?

3. Ang Anghel na si Michael ay Tinawag na "One" (Echad)

(KJV)
But the prince of the kingdom of Persia withstood me one and twenty days: but, lo, Michael, one (Echad) of the chief princes, came to help me; and I remained there with the kings of Persia.

Si Michael ba ay "nagkakaisa" o iisa sa bilang?

Sa mga talatang ito, maliwanag na ang salitang one (Echad) ay maaaring mangahulugang iisa sa bilang at hindi "nagkakaisa."

Ang Ganap na Pagiging Isa ng Dios

Tingnan natin ang ilan sa mga talatang may kinalaman sa pagiging ganap na iisa ng Dios (Oneness of God) sa bilang at hindi isang "nagkakaisang Dios."

(Tagalog AB)
At sinalita ng Dios ang lahat ng salitang ito, na sinasabi,

(Tagalog AB)
Ako ang Panginoon mong Dios, na naglabas sa iyo sa lupain ng Egipto, sa bahay ng pagkaalipin.

(Tagalog AB)
Huwag kang magkakaroon ng ibang mga dios sa harap ko.

Pansinin ang salitang "Ako."

(Tagalog AB)
Ang Panginoon na magisa ang pumatnubay sa kaniya, At walang ibang dios na kasama siya.

Pansinin ang salitang "mag-isa."

(Tagalog AB)
Sapagka't ikaw ay dakila, at gumagawa ng kagilagilalas na mga bagay: ikaw na magisa ang Dios.

Pansinin ang mga salitang "ikaw" at "mag-isa."

(Tagalog AB)
Kayo'y aking mga saksi, sabi ng Panginoon, at aking lingkod na aking pinili: upang inyong maalaman at magsisampalataya kayo sa akin, at inyong matalastas na ako nga; walang Dios na inanyuan na una sa akin, o magkakaroon man pagkatapos ko.

(Tagalog AB)
Ako, sa makatuwid baga'y ako, ang Panginoon; at liban sa akin ay walang tagapagligtas.

Pansinin ang mga salitang "akin," "ako," at "liban sa akin."

(Tagalog AB)
Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Hari ng Israel, at ng kaniyang Manunubos, na Panginoon ng mga hukbo, Ako ang una, at ako ang huli; at liban sa akin ay walang Dios.

(Tagalog AB)
At sino, na gaya ko, tatawag, at magpapahayag, at magaayos sa ganang akin, mula nang aking itatag ang matandang bayan? at ang mga bagay na dumarating, at ang mangyayari, ay ipahahayag nila.

(Tagalog AB)
Kayo'y huwag mangatakot, o magsipangilabot man: hindi ko baga ipinahayag sa iyo nang una, at ipinakilala? at kayo ang aking mga saksi. May Dios baga liban sa akin? oo, walang malaking Bato; ako'y walang nakikilalang iba.

Pansinin ang mga salitang "liban sa akin" at "walang nakikilalang iba."

(Tagalog AB)
Upang kanilang maalaman mula sa sikatan ng araw, at mula sa kalunuran, na walang iba liban sa akin: ako ang Panginoon, at walang iba.

Pansinin ang mga salitang "walang iba."

Sa mga talatang nabanggit, mapapansin natin ang mga salitang ginamit ng Dios upang ipakita sa pinakamalinaw at pinakamalakas na posibleng paraan ang Kaniyang pagiging ganap na iisa.

Kaya ang argumento na ang salitang one (Echad), kapag ginamit patungkol sa Dios, ay kinakailangang tumukoy sa plurality of persons na nagkakaisa ay hindi sinasang-ayunan ng mga talatang ito sa Biblia.

Ang totoo, ginagamit ang paliwanag na ang salitang "isa" ay nangangahulugang "nagkakaisa" upang ipaliwanag ang paggamit sa New Testament ng mga katagang "Ama, Anak, at Espiritu Santo." Dahil dito, binibigyang-kahulugan nila ang salitang one (Echad) sa Old Testament bilang "nagkakaisa" upang umayon sa doktrina ng Trinity.

Pero sa Old Testament man o sa New Testament, maliwanag ang turo na iisa lamang sa bilang ang tunay na Dios.

Ang Iisang Dios sa New Testament

(Tagalog AB)
Sumagot si Jesus, Ang pangulo ay, Pakinggan mo, Oh Israel; Ang Panginoon nating Dios, ang Panginoon ay iisa:

(Tagalog AB)
At iibigin mo ang Panginoon mong Dios ng buong puso mo, at ng buong kaluluwa mo, at ng buong pagiisip mo, at ng buong lakas mo.

(Tagalog AB)
At ito ang buhay na walang hanggan, na ikaw ay makilala nila na iisang Dios na tunay, at siyang iyong sinugo, sa makatuwid baga'y si Jesucristo.

(Tagalog AB)
Nguni't sa ganang atin ay may isang Dios lamang, ang Ama, na buhat sa kaniya ang lahat ng mga bagay, at tayo'y sa kaniya; at isa lamang Panginoon, si Jesucristo, na sa pamamagitan niya ang lahat ng mga bagay, at tayo'y sa pamamagitan niya.

(Tagalog AB)
Ikaw ay sumasampalataya na ang Dios ay iisa; mabuti ang iyong ginagawa: ang mga demonio man ay nagsisisampalataya, at nagsisipanginig.

Kaya sa mga nagbibigay-kahulugan na ang salitang Echad o one ay nangangahulugan lamang na "nagkakaisa," hindi po ganyan ang kabuuang turo ng Biblia.

Maliwanag sa buong Kasulatan na mayroon lamang iisang tunay na Dios, numerically one.

God Is Called the "Holy One"

God is called Holy One, not Holy Two or Holy Three.

(KJV)
I will also praise thee with the psaltery, even thy truth, O my God: unto thee will I sing with the harp, O thou Holy One of Israel.

(KJV)
Ah sinful nation, a people laden with iniquity, a seed of evildoers, children that are corrupters: they have forsaken the LORD, they have provoked the Holy One of Israel unto anger, they are gone away backward.

Bakit Mahalagang Maniwala sa Iisang Tunay na Dios?

Mahalagang maniwala sa iisang tunay na Dios, numerically one, sapagkat:

  • Ito ang pundasyon ng tamang relasyon sa Dios (; ).

  • Isa ito sa mga katotohanang kaugnay ng pagkakaroon ng buhay na walang hanggan ().

  • Nakaugnay dito ang ating tamang pagsamba sa Dios ().

(Tagalog AB)
Magingat ka sa iyong sarili, at sa iyong turo. Manatili ka sa mga bagay na ito; sapagka't sa paggawa nito ay ang iyo ring sarili ang ililigtas mo at pati ng mga nagsisipakinig sa iyo.

Praise the Lord.

Scriptures in this article

27 passages: select one to read it in all three translations.

Ranny D. Cometa

Author and editor | Pastor

Ranny writes and edits biblical articles, doctrinal studies, and Scripture resources from an Apostolic Oneness perspective.

Author profile

Related Articles

The One True God

Elohim

Ang salitang Elohim ay plural sa anyo, ngunit nangangahulugan ba itong may plurality of persons sa Dios? Suriin natin ang paggamit at grammar ng Elohim sa Biblia upang makita kung ano talaga ang ipinapahayag ng Kasulatan tungkol sa iisang Dios.

August 17, 20263 min read